30 December 2013

Year-end Post - An Attempt.



December 30, 2013 | 11:43 PM

Medyo gutom, medyo di makatulog. I was waiting for Karl’s call, the usual thing to end each day, kaso mukhang nakatulog na ata si bebeboy *grin*. Nagugutom na talaga ako, ayoko nang ulitin yung kinaen ko kaning lechon at pancit canton na nakahain pa rin sa mesa, tirang putahe sa debut ng pinsan. Ayoko rin ng noodles, medyo nagpaparamdam na rin kasi ang UTI. Gusto ko ng balut. Kuha ng dalawang bente sa pitaka. Lumabas na akala mo ay tanghaling tapat at katirikan ang araw. Keri lang. Halos mga kamag-anakan ko rin naman yung mga tambay dito sa barangay, kung hindi man, mga kakilala. Lakad sa kanto, wala si ateng that’s my tomboy na nagtitinda ng balut. Tuloy ang lakad hanggang sa ikalawang bakery. Shet. Ang daming hiphop dudung slash jejemons. Wala ni isa sa kanila ang pamilyar. Pinagsalubong ko ang kilay ko sabay kunot ng konti ang noo, kunyari suplada, kunyari matapang at di papahuli ng buhay. Wala na yung paborito kong tinapay na may espeysyal keso sa loob, yung “shells”. Buns na lang at yung banana chips na tinda nila ate. Habang naglalakad pabalik ng bahay, naisip kong gumawa ng year-end blog post. Yung lovelife ko, bagong work, bagong friends, travels, activities, moments, etc. Okay, go! Isalya na ‘yan pagkauwi sa bahay.

Umupo sa sofa, binuksan ang banana chips, nilantakan. Walang isang minuto, binuksan ang laptop, nag-check ng FB, nagbukas ng bagong tab, binuksan ang blogger account. Facebook newsfeed, walang kamatayang scroll down hangga’t di ko nasisilayan yung recent post na nakita ko sa huling pagbubukas ko ng FB. Balik sa blogger dashboard, check ng mga bagong posts ng iba, basa ng kaunti, tinamad mag-comment. Ito na, clicked “Create new post”. Type ng ilang words, nakabuo ng ilang sentence, shet. Di ko mabuo yung konsepto. Bura, bura, bura. Nakipagtitigan muna sa keyboard. Bigla kong naisip di pa ko naghihilamos, solid pa yung make-up ko at nakakapa pa rin ng dila ko yung tumingang hibla ng lechon sa wisdom tooth ko.

December 31, 2013 | 12:18 AM

Sa banyo, magaan na yung mukha ko pagkatapos tanggalin ang kalahating kilo ng make-up. Habang nagto-toothbrush biglang naisip ko ulit na magbalik-tanaw sa nagdaang taon. Looking back – sige, yan na lang tema ng blog post ko. Ang dami kong di makakalimutan na tagpo para sa taong ‘to. Gusto ko isulat, uhm, siguro para meron akong balikan pagtanda ko. May sense yun, ipu-push ko.

Balik sa sala. Binuksan ulit ang laptop. Uy, may 1 notification sa FB, “MJ, want to know the 20 biggest moments in your Facebook timeline? Click here.” Clicked. Ito na lang kaya ilagay ko sa blog ko? Eh teka, puro profile pictures ko pala to na medyo maraming nag-like. Pati ako naumay. Balik sa newsfeed, check ulit ng mga happenings sa buhay ng iba. Kinuha ang cellphone, inactivate ang wi-fi, kumonek sa kapitbahay. Login sa IG, scroll down, double tap, scroll down, scroll down, double tap. Napatingin sa orasan. Malapit na pala mag-ala una. Medyo inaantok na ko. Ay teka, yung gusto ko i-blog. Binuksan ulit si blogger dashboard. Click “Create new post”. Nag-isip ng kaunti, nag-type. Nakagawa naman ng isang paragraph. Teka, ano tong pinagsasabi ko. Parang wala sa hulog man.  Ay ewan. Close. Close Tabs. Borlogs na me.

05 December 2013

Decempandabear

So, sa tingin ko ay nakita n'yo na rin 'tong picture na 'to na kumakalat ngayon sa facebook.

This photo was originally posted by Dario Ceblano. All photo credits goes to him. Ang creative lang ni kuya.


Simple lang naman yung picture diba? Kaso di ko na-gets talaga. Tipong binali-baliktad ko pa yung screen para lang makuha ko yung logic. Shinare 'to ni Monik, di ko talaga kinaya kaya tinanong ko na s'ya sa misteryong bumabalot sa litratong 'yon. 

So, ito daw yan, "The Same Bear" in other word "December". Tengene, di kinaya ng brain cells ko. Muntik na ko tumambling. Dahil di ko na-gets eh shinare ko din sa FB page ko kahapon. Yung mga sumunod na eksena ay di na talaga kinaya ng panga ko. Wala na kong nagawa kundi hinayaan ko na lang sumabog yung tawa ko sa mga tropang nag-comment dito. Buhiset eh. Kaya ito, just sharing the comment trail at kabibohan. Hindi ko na tinakpan ang mga pangalan nila, baka sakaling ma-discover sila at mabigyan ng chance humalili kay Tito, Vic and Joey.


  

Ayun lang naman. Kbye.

22 September 2013

IMAGINE DRAGONS

Hindi ako marunong gumawa ng comprehensive music review. Basta pumasa sa pandinig ko, pasok na yun sa banga ng playlists ko.

Just recently, I found this malakas maka-hipster na banda, the "Imagine Dragons". Araw-araw ko s'yang naririnig sa office. Since newbie pa lang ako sa trabaho, eh, low profile ang peg ko. Tipong mahiyain, introvert, medyo snob. Ganyan. Kaya kahit gustong-gusto ko itanong sa katrabaho ko, na itago natin sa pangalang Ben, kung anong banda yung lagi n'yang pinapatugtog eh nahihiya ako. Baka kasi isipin ni Ben naghahanap ako ng common ground para maging close kami. Duh. Pero mabait si Ben, s'ya ang katuwang ko sa mga ginagawa ko sa office. Isang araw nagdiskusyon kami ni Ben kung paano namin mapapadali ang trabaho namin at kasama na rin dun ang mga rants habang ang background music namin ay ang kantang malakas maka-hipster. Out of nowhere habang patuloy sa pagra-rants si Ben ay bigla kong naitanong "sinong kumanta n'yan?" referring to the background music. Walang pag-aatubili namang pinasa ni Ben ang link nung kanta sa youtube para raw mapakingggan ko lahat ng kanta nila. At ayun, end of rants and conversation.

Unti-unti na nga kong na-hook sa Imagine Dragons. Wala akong idea kung matagal na sila sa music scene at kung matagal ng sumikat ang mga kanta nila. Malay ko kung ngayon lang ako nausuhan. Basta ang massabi ko lang, magaganda ang kanta nila. Masarap s'yang pakinggan sa byahe habang ini-imagine mo ang future. Sa trabaho habang naka-earphone, mas nakaka-focus ka sa ginagawa mo. Sa bahay, tuwing rest day, ng hindi nakaka-abala sa neighbors dahil chill lang ang tugtugan. Basta ayun, try listening to their music, maiba lang.

Imagine Dragons - Night Vision (2012)
Genre: Alternative Rock
 
Track List

1. Radioactive
2. Tiptoe
3. It's Time
4. Demons
5. On Top of the World
6. Hear Me
7. Amsterdam
8. Every Night
9. Bleeding Out
10. Underdog
11. Nothing Left to Say / Rocks
12. Working Man
13. Fallen


31 July 2013

2x2

Minsan nang may nagsabing photogenic daw ako. Syempre may pagkauto-uto din ako kaya naniwala naman ako. Pero aaminin ko depende yung reaction ng fes ka sa kung sinong kumukuha ng picture. Kung may pekchurs man ako na kinasusuklaman ko (OA lungs?) eh siguro yun yung mga 1x1, 2x2 and other pictures taken from studios. Yung mga requirement na pics sa school, office and other agencies. Kung pwede lang sana magpasa ng picture ko na naka-peace sign, duck face, wacky at yung kabog na selfie eh ginawa ko na. Para naman hindi ako laging mukhang nalulugi.
Fail kasi lagi talaga yung mga 2x2 pics ko. Nahihiya nga ko ipasa yun sa mga nangangailangan nun. Yung itchura ko mukhang suspect sa isang krimen, o mukhang di nakakaen ng isang linggo. Basta ang chaka forevs. Hindi naman sa maarte at choosy ako, pero parang ganun na nga. O s'ya sige di ko na ie-explain masyado. Eto yung kanina pang tinutukoy ko.


Dahil #tbt naman ngayon.


Mang-bash sa picture kong 'yan papa-salvage ko. Charaught! Sa totoo lang pag nagpapakuha ako ng litrato sa studio hindi mapakali yung mga muscles ko sa mukha. Hindi ako sigurado kung ngingiti ba ko o neutral lang. Pero sabi nila dapat daw neutral lang ang feslak. Eh yung neutral ko kaya naka-nganga! Baka ika-salvage ko pa yun if ever may makakita nun. Mas feel ko yung naka-smile kasi I want to show may unkaboggable asset - my two front teeth. Umalma lalaslasin ko! Lels. Kaso naman ang awkward din ng smile ko sa mga 2x2. Hindi kasi ako kumportable ngumiti sa mga photographer sa studio. Feeling ko pagtatawanan nila ako the moment na mag-hi and hello yung front teeth ko. Kaya medyo nahihiya yung smile ko. Hindi ko alam kung syndrome na maitatawag yun. Kung meron man, imbento ko lang yun. At tsaka nakakahiya din kasi magpaulit-ulit ng kuha sa mga photographer dun, baka sabihin ang arte ko. Beside di naman din unli shot sa mga ganun. Usually two shots lang tapos papapiliin ka na nila kung alin dun. Wala rin naman silan pakialam sa magiging itchura mo. Ganyan.

Recently kinailangan ko ulit ng 2x2 pic. Dahil nga hesitant ako magpunta ng studio naki-usap ako kay Karl na picturan n'ya na lang ako. So... dahil si Karl naman ang magpi-picture eh at last na-achieve ko na ang gusto kong i-peg and all that shiz!



Ansabe? Effect! LOL

22 June 2013

All is Wet!!!


One year ago I started travelling with my best buddies in college. Sila yung isa sa mga tinuturing kong masarap kasama. Ayun yung tipong sulit na sulit ang tawanan at halakhakan. Una kaming nag-travel sa Puerto Galera, sinundan ng Sagada, Baguio, then Romblon (kung san di ako nakasama), and the recent is sa Mt. Batulao .

We call our group the Packers, we call each other the Packing Buddies. We derived the names from our aburidong loving friend, Jun Villegas, the Smart Backpacker. We call him Sir V (kapag magalang) or Jun-jun (kapag bastusan). Law professor namin si Sir V nung college. Last year gumawa s’ya ng travel blog bilang sya ay isang travel junkie. Hindi lalagpas ang isang linggo na wala s’yang gala. Ganyan. Since he is the Smart Backpacker, kami naman ang kanyang Packing Buddies. Actually mayroon din kaming tinatawag na Mother Packer, pero we’ll keep it to ourselves na lang kung sino s’ya. So ayun, we are the Packers and we love Packing activities! Lols.

Bilang gusto naming i-maximize ang long weekend last election season eh nagkaroon ng bagong ideya ang koponan. Ang mamundok, para maiba naman. Kaya naman we decided na mag-day hike sa Mount Batulao . Although hindi ganun katindi ang itinerary na pinrepare ni Jun-jun for the hike eh natuloy pa rin kami. Sabi n’ya nga “All is well!”

5:00 AM ang call time namin sa Pasay kung san kami sasakay papuntang Nasugbu Batangas. Pero dahil ang proactive ko eh 4:30 AM na ko nagising. May 2 missed calls na si Sir V at may mga texts s’ya na sa Olivarez Tagaytay na lang daw kami sasakay pa-Nasugbu. Buti na lang malapit lang kami sa Tagaytay kaya hindi pa rin ako na-late.

Mineet ko sina Sir, Jhen, Ter, Nikko and Kat sa Jolibbe Olivarez. Good vibes ang lahat ng makita ko, except kay Nikko na medyo indifferent (saveh?) dahil nanakawan s’ya ng cellphone on his way to terminal. Kaluoy man! Sa tapat ng Jobee kami sumakay ng Jeep right after dumating si Jonas na isa pang early bird.



Pagdating sa Nasugbu ay sumabak na kami sa paglalakad. Eksayted pa ang lahat. We walk in sweet melody with high spirits. Yung tipong holding hands while walking ang peg. Double the eksaytment pa nung nakita namin yung bundok na aakyatin namin. Pero after an hour na paglalakad eh gusto ko ng bumalik sa jump-off. Swear! Keri naman ang mahabang lakaran teh, kaso di ko keri ang sobrang inet. Akshuli, nasusuka na nahihilo na ko pero di ko na masyadong inentertain pa yung feeling and sensation dahil ang weak ko naman kung ganun. Duh, sinong weak?

Sa trail na namin nakasama ang isa pang Packer, si Sir Rico a.k.a Eric (banges~). Sa gitna ng paglalakad eh nagpapahinga din kami pag may time. Kaya yung iba ay nauna na sa trail, at naiwan naman kami nila Jhen, Sir Rico at Nikko . Slowly but surely sana ang peg namin kaso biglang naganap ang unang pagkadulas ni Jhen. Syempre as true friends ay tinawanan tinulungan namin s’ya. May mga nakasalubong din kaming mountaineers, at isa sa mga epic ay yung magtotropa kung san may isang aburido kunwari while shouting at his companions “Sabi n’yo magsi-swimming! Kahapon pa tayo naglalakad wala naman akong nakitang tubig dito! Kaya pala ayaw n’yong magpadala ng sasakyan! Mga pu********na n’yo! Pinaikot-ikot n’yo ko!” Hahaha. Laughtrip kay kuya men!

After ng mahaba at walang humpay na lakad eh narating din namin ang Camp 1 para mag-register. Ohyes! Dun pa lang magreregister sa Camp 1 na almost kalahati na ng buong trail. Unlike sa ibang bundok na ang registration ay nasa jump-off. Sa Camp 1 pwede magtayo ng tent para sa mga gustong mag-overnight. May mini tindahan din dito para sa souvenirs and eberetheng. Nandito rin yung isa sa magagandang spots para sa picturan.


Medyo F na F lang ni Jonas. Medyo lang, as in slight lang.


Beri beri light lang din ang pag pose ni Sir Rico a.k.a Eric. Swear.


Dahil nga ang goal namin ay marating ang tuktok ng Mt. Batulao ay nag-umpisa na ulit kaming maglakad. Sa Camp 7 naman ay napaka-dramatic ng view. Di pa man namin nararating ang peak ay sulit na ang pagod sa mga natatanaw ng mga mata namin. Syempre for the picture taking ulit.



Medyo umaambon na at mas mabangin na rin ang mga daan kaya naman higit sa dobleng ingat ang kailangan. Sa di kalayuan ay kumikidlat at makikita mo kung paano lumapit yung maitim na ulap na may dalang malakas na ulan. Imbis na mangamba eh natuwa kami, kasi kitang-kita mo talaga kung paano lumapit yung ulan. Yung tipong sa tabi mo naulan, tapos sa lugar mo umaambon pa lang. Buti na lang nadala ko ang kikay na kapote. Kaya yung sapatos ko lang ang basang-basa. Sa Camp 8 kami nagpalipas ng ulan. Kaunti na lang at malapit na kami sa peak, pero dahil sa umulan nga at madulas ang daan papunta sa peak ay nagdecide kami na hindi na tumuloy dahil puro rin kami beginner. At dahil d'yan medyo magkakaroon na ng minor revision sa aming pagkakakilanlan from Back Packers to Wet Packers, because all is wet!




From Camp 8 eh inumpisahan na namin bumaba. Dahil nga madulas at maputik ay naging extreme ang experience. May mga bahagyang nadulas tulad ni Jhen at Nikko at mayroon namang pinanindigan na lang ang pagkadulas na si Jonas. At dahil true friends kami ay tinawanan tinulungan namin sila with all of our hearts. 


Medyo nakaka-eksayt yung pagbaba dahil andoon na yung ideya na sa wakas ay matatapos na rin ang kalbaryo namin. Pero ilang oras na kaming naglalakad, kahit may pahinga ay parang di natatapos ang daang kailangang lagpasan. Medyo nakakaumay na maglakad, as in. Balak na nga naming mag-tricycle ni Jhen at Nikko kaso ang mahal ng pamasahe. Kaya wala na kaming nagawa kundi imotivate ang isa’t isa na may katapusan din ang lahat, habang sa mga sarili namin ay pinagsisisihan naming sumama pa kami sa pamumundok. Charot!

As planned, kasama sa sidetrip ang Caleruega at Skyranch. Sa Caleruega ay naglakad-lakad kami (for the nth time). Tapos ay sinamantala naman ni Jonas at Jun-jun ang libreng banyo para… uhm… ang baho! 



At dahil hindi na talaga kaya ng power namin ni Jhen, Kat at Nikko ang paulit-ulit na paglalakad ay nag-tricycle na kami papunta sa highway kung san kami makikiligo at kakain.

Sa wakas, pagkatapos ng hardcore na paglalakad ay nakaraos din kami. Ayt ayt! Skyranch naman ang next destination bilang gusto naming i-maximize ang araw na ‘yun. Medyo traffic nga lang at ginabi na kami. Pinaghalong fog at usok (smog) naman ang sumalubong sa amin sa Tagaytay. Halos di na nga makita yung Sky Eye sa sobrang smog. 



Pagpasok pa lang ng Skyranch eh maririnig mo na yung malakas na sigawan ng mga nakasakay sa Super Viking. Okay, itinanim ko na sa isip ko ng hinding hindi na ko sasakay ng Anchor’s Away and the like dahil baka doon ako malagutan ng malay. The same with Sir V, weak heart din daw s’ya kaya di kami sumama kina Jhen, Sir Rico, Jonas, Lester at Kat. Nandun lang kami sa baba, nanunood sa kanila habng tumatawa sa di maipinta nilang reactions sa tuwing hahampas pababa yung Super Viking.



So after all the kaek-ekans of life eh nag-uwian na kami. Ayun lang naman, nothing much to say. LOL. Daldal lungs!

*Salamats kay Smart Backpacker Jun-jun and packing buddy Lester para sa mga unkabogable pictures.

19 March 2013

Sa atin ang Tondo... at ang Cavite.

So paano ko ba uumpisahan? Hindi ko alam. Ang daming ideya, pero di ko alam kung paano ko ilalahad ng maayos. So bahala na. Bahala na ang tunay na pag-ibig sa paglahad ng kung ano. #Anoraw?

Hindi naman namin monthsary, lalong hindi n’ya rin birthday. Basta suddenly, I have this urge to do something that would make me a bit relieve. At oo, I feel at ease, really at ease, whenever I find myself on an image with him. Melodramatic ko noh?
Basta magsusulat lang ako, kanya-kanyang trip lang yan.I just want to tell the universe, if ever nagba-blog din ang mga taga-outer space, kung gaano ako naging mas masaya nung makilala ko s’ya.

Malinaw sa akin kung paano kami nagkakilala. Kung paano ako inintroduce sa kanya ng isang blogger (na idol ko pagdating sa pag-tula, potogprapiya at pagpinta), at kung paano naman s’ya ipinakilala sa akin ng isa pang-blogger (na itinuring kong ate sa loob at labas ng blogosperyo). So we knew each other sa picture at sa blog bago pa kami nagkakilala personally. Under the same sky, together in the same passion, nagkita kami, nagkakilala, nag-hi at hello sa isa’t isa. Ngumiti ako sa kanya with my two large front teeth at sya naman ngumiti with his gilagid, chos. Pero wala pang something-something nun. Neutral pa lang. Medyo awkward pa kami noon sa isa’t isa. Kung paano nagsimula ang ligawan eh sikretong malupit na ‘yun. Magpapaka-showbiz ako with the cliché comment “I would like to keep it private.” sabay ngiting katulad kay Angel Locsin. Naks!

Alam ko maraming humahanga sa kanya sa mundo ng blogging dahil sa estilo n’ya ng pagsusulat. Kahit ako napahanga din n’ya, at higit sa paghanga ay napakilig din… talande? Hihi. Well, well, well… Hindi ko lang maiwasan kiligin at lalong mahulog sa mga tulang sinulat n’ya na *ehem* para sa akin. Dahil hindi ko talaga mapigilan kiligin at para mainggit kayo *jooke!* ito yung isa sa mga paborito kong tula na ginawa n’ya.

Honestly, iba ang impression ko sa kanya as a blogger – yung matapang, palaban at maloko. Pero nung nakilala ko siya, ibang-iba yung character n’ya. Yung sobrang sweet, mabait, maalaga at masiyahin. Alam ko namang makulit ako, pero mas napapasaya n’ya ko sa pagiging makulit n’ya rin. Yung tatawa lang kayo sa kung ano-anong mga kababawan sa mundo. Tapos kapag nakikita ko s’yang masaya at tumatawa din parang may biglang booom! Bigla na lang nagkakaroon ng pakpak ang mga bagay-bagay. So dahil d’yan nakagawa din ako ng seryosong tula sa ingles for the first time. Londe!

Natutuwa ako sa kanya sa maraming bagay. He believes that I deserve an honest man. Minsan kahit di ko s’ya tinatanong sa kung ano eh may pagkukusa s’ya sabihin ito “for honesty policy”, ika nga niya. Kaya siguro panatag ako at naiiwasan kong maging paranoid. Lagi rin s’yang nag eexert ng extra time and effort to make me happy. Halos magkapitbahay na lang ang Tondo at Cavite para sa kanya. Pati yung mga simpleng gestures n’ya, like kapag naglalakad kami sa kalsada never n’yang nakakalimutan na ilagay ako sa safe zone. Yung he never forgets to return my texts and calls. Yung he treat me like a princess when we're on a date. Yung consistency, kapag sinabi kong "ingat ka" matik n'yang reply "para sayo...", eversince kahit di pa kami eh ganun na s'ya at hanggang ngayon ganun pa rin s'ya. Yung kapag mahuhuli ko s’yang nakatingin sa ‘kin sasabihin n’ya “ang ganda mo...” with seryosong mukha at booom! Biglang nagkagulo ang mga saiyan sa planet nemic dahil umabot doon ang buhok ko! 

Hindi ko sinasabing perpekto ang relationship namin. Minsan di rin kami nagkakaintindihan, but that doesn't mean na "let go", "give up" o "it's over" na ang peg n'yo. "Sorry" is the word and "Acceptance" is the key. Sabi nga ni Sir Ricky Lee, kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo - yan daw ang tatlong K ng pag-ibg. Kabog, kilig, kirot.

Thankful ako kay Lord na dumating s'ya. Alam ko may mga bagay kaming dapat pagdaanan. Fair pa rin naman ang mundo. Kung sa bawat tatlong saya eh may isang lungkot eh keri na. Hindi na ko lugi 'nun. Basta masaya akong makita s'ya, mapa-personal o sa litrato pa. Magpapalakas ako ng katawan at loob para sa kanya, at syempre magdadasal. Dahil masayang pagmasdan ang mga bagay lalo na kapag nangingibabaw ang pagmamahal.



11 March 2013

Breakdown or Breakthrough?

I may have all the fancy things, awesome moments and the dearest people in my life. But I am still empty and nothing without Christ, who indeed gives me all the strength and unbounded love. It's been a long time since I last felt this, being blessed with the highest power. Alam n'yo yun? Yung rare moment na gustong pumatak ng luha mo sa sobrang saya? I could have cried a river for being overwhelmed, but I tried to pull my tears up, because that moment God embraced me and all of a sudden my worries and burdens subside.

Usually, Karl visit me every weekend, but he's sick kaya ako naman ang pumunta sa kanya. Beforehand, sinabi ko na gusto kong pumunta ng The Feast sa PICC. Since malapit lang sila doon, I want to take advantage, at para na rin may makasama ako for the first time.  Buti na lang hindi nag-dalawang isip ang giliw na sumama sa akin. Knowing his condition, gumising din s'ya ng maaga para samahan ako. Tapos umuulan pa, at nakalimutan namin ang payong. Pero hindi naman kami napigilan nito. Parang inenjoy na lang din namin ang ulan. Nung una, CCP ako ng CCP, sa PICC pala yung place.

So there... we begin to enter the PICC. May mga usherettes na nag-aabot ng Kerygma. At sobrang natuwa ako kasi for free s'ya! Aside dun sa weekly Mag na binibigay. Ang daming tao, like the last time na nanggaling ako doon. Naabutan namin yung misa, dun na sa part ng Homily na umikot sa Gospel, which is "The Parable of the Prodigal Son". Ang ganda ng Homily ni Father whom I forgot the name *sorry*. "Umuwi ka na anak, the Father is waiting for you kahit gaano pa kasakit o kasama ang pinagdaanan mo." ika nga ni Father. Isa pa sa dinadayo ko sa The Feast is yung full band na misa. As in full band, may banda na may orchestra pa. May lead singers, then my choirs. Talagang feel na feel ko yung presence ni Lord through songs of praise.

After ng misa, time na para sa preach ni Bro. Bo Sanchez. Bigla akong na-excite ng lumabas s'ya. I admire him, as always. Aside from his inspirational books, he has never failed to astound me through his preaching.

The Feast has "EMO Series" before the Easter Season. And today is the Talk #2: FOCUS ON THE GOOD.




"Don't manage your FEELINGS, manage your FOCUS."



Most of the time, feelings are inevitable. Specially yung mga intense feelings. You cannot just say na "hindi na ko galit!" or "hindi ako ma-i-inlove!". Hindi nga naman ganoon kadali i-dictate sa sarili kung ano ang dapat mong maramdaman. Sometimes, feelings are mere reactions. And we can choose the way we react to certain things. It is necessary to pay attention and needless to say - FOCUS to shift intense and unanticipated feelings that would probably ruin the situation you are in.

"Your Focus creates your REALITY."



Bro. Bo says "For the next 40 days, try to think all of the bad things happening in your life." After ng 40 days na puro bad vibes eh hindi imposibleng mapraning ka ng tuluyan. You will feel depressed, stressed and frustrated. Kapag nag-focus ka on the bad things, eventually, it will change your feelings. So what if in the next 40 days you think and focus on the good things in life? I bet, good vibes ka lagi! Kung masaya at masarap lagi ang pakiramdam mo, possibilities are magiging positive person ka at magagawa mo yung mga bagay na gusto mong gawin with delight and passion. So FOCUS creates reality.

"EMOTION comes from MOTION."




Sabi nga ni Bro. Bo "Ya gotta do what 'ya gotta do." I remember one of the famous lines during our 2011 Easter Youth Celebration: "The more you pray, the more you want to pray." Emotion comes from the motion. If you start to do something consistently, you begin to love what you're doing. "Passion is doing what you love and what you do not love to do for the people you love." - Bo Sanchez. 



For better understanding, Bro. Bo made further explanation on how to focus on the good things. May dalawang halaman sa stage. Yung isang paso may plants with ugly fruits (parang monsters and zombies yung itsura), yung isa naman plants with large sunflower and other beautiful fruits. He held the sprinkler and asks the audience "Will you pour water on the bad plants? Or watered the good one? Will you nourish on the bad things or focus on the good things?"

Breakdown or breakthrough?

Indeed, ang dami kong natutunan at na-realize. And I am very happy na si Karl yung una kong nakasama sa The Feast. Nung sinabi ni Bro. Bo na sabihin sa katabi mo na "You are my blessing." I hug him very tight and said "You are my blessing." Medyo natatawa s'ya, kasi awkward. Hehe. Pero sobrang happy ko talaga dahil after The Feast may input si Karl tungkol sa diniscuss ni Bo Sanchez.

So ayun lang naman. I hope mayroon din kayong napulot na words of wisdom or food for the soul.




"God's love descend on the people who act in faith." - Bro. Bo Sanchez

DISCLAIMER: All photos were grabbed from http://www.facebook.com/TheFeastPicc. Credits to the real owner.

04 March 2013

Blog Mo Ipasuot Mo Anniversary Sabak and Project Burger


Ang bilis ng panahon, naka-isang taon na pala ang Blog Mo Ipasuot Mo. At sa isang taon na ‘yun ay hindi tayo nawalan ng pagkakataon na makapag-pasaya sa mga bata. Simple lang ang layunin ng grupo – ang damitan ang mga bata sa pamamagitan ng mga blogero at blogera. Hindi naman kailangang marami kang pera o marami kang oras para maging sapat ang kasiyahan ng bawat isa. Basta galing sa puso, kung anong kayang iabot ng palad mo.

Naganap na nga ang unang anibersaryo at s’ya ring ika-anim na sabak ng grupo ng BMIM. Mag-mula nang matapos ang ika-limang sabak, eksayted na eksayted na ko dito. Hindi ko ma-explain kung anong klaseng eksaytment, basta im so eksayted!

Noong ika-2 ng Marso ay muli na namang nagtipon ang mga blogera at blogero para magtungo sa isang liblib na lugar sa Bulacan. Maaga palang ay nagkita-kita na kami sa tapat ng SM Fairview. Medyo nakakagulantang lang ang pangbungad na bati ni Joelah “Guys!!! May konting aberya tayo!” Nung sinabi n’ya yan di pa ko nakakaupo ha, okray ka teh! Ayon kay Joleng, hindi na daw kami matutuloy sa original plan – yung umakyat sa liblib na lugar, kung san may mga katutubo na s’yang pagbibigyan ng BMIM shirts. Wala daw kasi yung taong sasama sa amin, medyo delikado daw kapag wala kaming guide so dun na lang kami sa semi-bundok at semi-liblib na lugar.

Mula Fairview ay nagtungo naman kami sa bahay nila Tara, para i-meet ang Mommy n’ya kahit wala s’ya. Ang cool lang ng Mommy ni Tara at very accommodating. Doon din kami naghanda ng pagkain para sa mga bata at dito na rin kami nagpahinga habang hinihintay ang alas dos na s’yang call time namin sa lugar ng sabak. Habang hinihintay ang oras eh nag-enjoy muna ang bawat isa sa bonding ng samahan habang nag-gagayat ng gulay at nagluluto para sa pancit, nagtutupi at naglalagay ng damit sa plastic at iba pa.

Instagram ng Anniv. shirt ng BMIM mula kay Irish

Pagsapit ng alas dos ay nagpack-up na ang grupo. Bawat isa may dala-dala, kundi man yung mga pagkaen at damit, eh, yung eksaytment at ngiti. Salamat kay Kons na syang naghatid sa amin sa Paraiso. Yung mga girls dun sa Innova nakasakay, yung mga boys naman sobrang nag-enjoy dun sa pick-up. Motorcade talaga ang peg! Picture-picture pa nga sila. Camwhore lang ang mga kuya!

Medyo may pagka-bundok nga yung lugar. Malayo-layo din yung nilakad namin mula doon sa binabaan namin. Pagdating sa lugar na tinatawag nilang “Paraiso” ay agad nang inilatag ang aming mga dalahin. Nakaka-tuwa nung unti-unti nang nagdadatingan yung mga bata na kasama ang kanilang mga magulang. Yung iba may cute na cute na ngiting sumalubong sa amin. Yung iba naman medyo nahihiya, siguro mailap sila sa ganung pagkakataon. Ayon din naman sa mga tao doon, ayun ang unang beses na may dumayo sa kanila ng ganoon.

Agad na nagtulungan ang mga ate at kuya ng BMIM na tipunin ang mga bata at lagyan ng ribbon ang kanilang mga kamay as a sign of registration. Pagkatapos ay agad na sinimulan ni Joleah ang programa sa pamamagitan ng konting pakilala sa mga ate at kuya. Bibong-bibo naman na nagturo ng isang kanta at sayaw si Abbie. At ako naman ang nanguna sa prayer. Pagkatapos ay nagpalaro na kami, yung paborito naming “ Lion, Hunter and Judge” na para mas madali ay ginawang tagalog “Leon, Mangangaso at Abogado” kung san maglalaban ang dalawang grupo na parang nagja-jack ‘n poy. Nag-enjoy naman ang mga bata, at mas nag-enjoy ang mga ate at kuya dahil mas makukulit sila. Dahil medyo hiningal sila sa palaro eh hayahay muna ang mga kids habang nakikinig ng kwento ni Abbie – ang Siopao na ayaw sa Batang Matakaw. Ang galing-galing ni Abbie, pati kaming matatanda na-hooked sa bibong-bibo n’yang story telling. Sana manalo s’ya sa dadating na eleksyon, este, sa national story telling contest na gaganapin sa Museo Pambata sa March 9. Hehehe. Pero syempre, papahuli ba si Joelah sa alamat ng siomai? Syempre hindi! Pero dahil marami ang nag-violent reaction, kabilang na kami, eh hindi n’ya na ito inispluk. Kundi ay iiwan namin s’ya doon. LOL.
Nakalimutan ko na kung kanino ko to kinuha. Haha! Crdits sayo kung sino ka man.  lol

Right after storytelling ay ipinamahagi na nang grupo ang munting tulong at kasiyahan. Syempre nakadagdag sa saya ng bawat isa ang “Project Burger” ni Essa. Ang sarap ni Essa, este, yung bruger ni Essa. LELS. Nakakatuwa yung mga bata dahil behave na behave sila, which is first time na-encounter ng grupo. Nakakagulat din dahil out of nowhere bigla silang sabay-sabay nag-thank you. Nakakataba ng puso, parang tutulo nga yung luha ko sa sobrang saya. Nakakatuwa rin makita yung mga kapwa bloggers na nagtutulungan. Iba-iba man ang mga kwento namin sa buhay sa mundo ng blogging, sa pagkakataong ito naging isa kami. We shared in the same journey, wearing the same smile.

Mula naman kay Kamila

Mabilis at maikli lang ang program dahil hindi raw kami pwedeng abutin ng dilim sa daan. Kaya naman nagpack-up na ulit ang grupo. Pagdating sa sasakyan, hindi papakabog ang girls. Mega volunteer na kami naman ang sasakay sa pick-up. Hihi. So bago pa man umandar pababa ng bundok ay nagdadasal na kami. “Group hug guys!” ika ni Joleah para walang malaglag. Todo tawanan at for the kaway-kaway pa kami sa mga tao, MMFF lang ang peg mga ateng? Kulang na lang may background music na “oh girls just wanna have fun!”. Sobrang saya ng bonding na ‘yun kahit na para kaming mga tanga. Chos!

Instagram ng motorcade (chos) mula kay Kuya Poi

Sobrang saya ng kabuuan ng anniversary sabak, wala atang dull moments dahil lagi kaming nagtatawanan. Sulit ang pagod at effort mula sa pinaghalo-halong outreach, bonding, road trip at adventure.

Ngayon na realize ko na the only difference between blogging and outreach is kindness. Kaya naman salamat sa lahat ng bumuo ng araw na iyon. Sa mga kapwa bloggers sa BMIM, sa mga tao sa Bulacan, sa mga bata at syempre kay Lord who made these all things possible. Thank you po! More sabaks to come! Mwaks!


22 January 2013

Bentedos sa bentedos

"It must have been easier to remember your age when you were 21 every year." - Owyes! 'Coz I'm FOREVER 21. Hihi.

Isang buwan na lang ng consistent na pagkembot at may hahalili na ulit na bagong numero sa mga dokumento o papeles na nagtatanong kung ilan taon na ba kong maganda. Kung hindi pa obvious sayo, eh, magdidiwang na ako ng aking kaarawan sa bilang ng isang buwan. At na-eexcite na ako, dahil isa itong pagkakataon para mag-evolve bilang pokemon. First time in the history din na magtu-twenty-two na ko sa February 22. Kaya ipasa mo ang mensaheng ito sa 22 katao at tumalon ng dalawampu't dalawang beses at magiging magkamukha na tayo. Charaught!

Wala akong maisip na advance birthday post kundi ilahad ang mga birthday wishes ko na hopefully ay mapagbigyan ng isa sa mga nakabasa nito dito. Malay mo naghahanap ka ng taong mapapasaya this coming 2013, at heto ako basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan. Sana'y may pumatak na konting biyaya galing sayo. Kung hindi mo feel edi tablado ako. 

As of this writing, eto pa lang ang mga naiisip kong birthday wish. Minsan lang kasi mag-birthday kaya minsan lang din magkaroon ng borthday wish. Lech! Antinding logic nun! Anyway. Ito ang aking mga ninanais for my habertdey:

1. Magkaroon ng bagong album ni Yeng Constantino entitled "Metamorphosis".
2. Magkaroon ng bagong album ng Up Dharma Down entitled "Capacities".
3. Magpakulay ng buhok katulad kay Yeng, pero mukhang hindi ko pa 'to maa-achieve dahil pormal dapat ang peg ko most of the time. So baka medium brown na lang muna.
4. Good health para sa akin, sa family ko at sa mga taong mahal ko.
5. Sana *insert secret wish*.
6. Sana din ay *insert secret wish for the mean time*.
7. Magkaroon ng collection ng guitar pick. Ang pinaka-achievable sa lahat.

Ayan na lang muna. Katulad ng mga mainstream hirit ng mga politiko na "wag n'yo po akong kakalimutan sa eleksyon", eh, sana ay wag n'yo rin akong kalimutan. Pero syempre wala pong pilitan. Hihi.

"A true friend remembers your birthday but not your age." 

21 January 2013

Slambook ni Potpot ft. ZYRA


Hi guyth! Hindi pa naman tapos ang January at pwede pa kong humabol sa mga bonggangang pasabog, diba? Heto na nga at uumpisahan ko ang taon with a great bang! Kaya naman di na ko nagdalawang isip isalang 'tong sunod na sumang-ayon sa kalokahan ko. Hihi. Tuwang-tuwa ako sa kanya, sa kanila ng kanyang bunny, dahil sa nakaka-inspire nilang way of life. Isa sa mga matatawag kong "Ate" sa blogosperyo at isa din sa mga hinahangaan kong blogera pagdating sa mga nakaka-inspire na blog post. Nag-iisa lang talaga s'ya at ang kakaiba n'yang smile. Smile na hindi nakakamatay, kundi nakakabuhay ng kumpyansa. At dahil magbe-bertdey na sya sa October, eh ia-advance post ko na ito bilang pa-bertdey. LOL. 10 months advance to teh!

Lesgowsagow!

Magbigay pugay kay Ate Zyra ng BlessedZyra.



Part 1: Easy Round

Personal Information

Name: Zyra Mae Bambico
Nickname: Zyra
Age: 25 pa lang ako
Marital Status: Married without kids (for now)
Location: San Pedro, Laguna








Blog Profile

Blog(s): BlessedZyra (http://adodcespresso.com)
            Captured Heavens (http://capturedheavens.wordpress.com pero may http://capturedheavens.com na)
Blog objective/purpose(if any): Para mashare ko sa iba ung ways kung paano ako binless ni Lord, saka para din mainspire ung ibang tao. Aun. Haha.
Blogger since: 2007
Blog influence: Anu ito? Ahm, wala naman. Sakto lang Haha
Describe your blog(s): Simple at sakto rin lang. Hindi palaging updated. Taglish. I pray na nakakabless din :)
Paano ka nag-umpisang mag-blog: E ung may crush sakin dati, nagsend ng bloglink sa akin na may kasamang love letter, so nainspire ako na pwede pala magsulat online. Sinubukan ko tapos eto at nagbablog na ako tapos. Trivia: Asawa ko na ung may crush sa akin na ‘yun.


Describe the following:

Yourself: I am blessed, honoured, favored, loved, beautiful at forgiven.
Love: Isinulat ni God, masarap sa pakiramdam, dapat ishare sa iba at hindi lang sinasarili.
Death: Nakakatakot harapin. Nakakakaba idescribe. Nagpapaiyak sa marami.
Pain: Masakit. Hahaha.
Happiness: Pakiramdam na nagpapatalon, nagpapangiti, nagpapatawa, hindi dapat ito nananakaw eh, pero pinamimigay lang ng iba.


Favorites

Food: Chocolate na hindi matamis, cake na hindi nakakaumay hahaha
Hobby: Magdesign, magdrawing, magkuha ng pictures
Singer/Band: Kim Walker, Acel Van Ommen, Yeng Constantino, Brooke Fraser
Song: Power of Your Love (religious)
Color: Orange na galit na galit sa pagkaorange
Book and its author: Proverbs tas si Solomon ♥


Part 2: Average

Give new meaning to the following:

WTF             Wag Tayong Faithless
FU                Friends Unlimited
SOP              Sobrang Out of Place
ASAP            Ang Saya Ang Peaceful
LQ                Love Quote
TL                Tawa Lang
LOL              Lalaking Over Landi


What and Who

What is your most unforgettable moment?
Nung unang beses na seryoso akong nagdasal at humiling sa Langit dun Church. Tapos nasagot un.

What is your most embarassing experience?
Nung nagkaroon ako ng buwanang dalaw sa school tapos natagusan ako. Tapos, ako ung pinagsulat sa Black Board nung teacher ko, sabi nung classmate ko: “Uy zyra, natapunan ka ng champurado”

What drives you everyday, to strive and survive?
Joy? Oo, un nga ata. Masaya akong nabubuhay, nakakahiya naman kay Lord na ginawa Niya akong masaya tapos lumbay na lumbay ako na parang walang gana. Syempre ung parents ko din, kailangan nila ako eeeh.

What is your motto in life?
Do your best and God will do the rest. Hehe.

What are the simple things that make you happy?
.    Makita lang si Bunny.
     Libreng pagkain.
     Manalo sa raffle. Hehe.
     Regalong surprise.
     Rainbow.

What is your greatest dream?
Teka, greatest, hindi ko pa alam. Ung greater meron, baka malaman ko ung greatest pag 80 na ako --- basta ang alam ko lang, incremental ang dreams ko, habang buhay pa ako, hindi ako matatapos managinip o mangarap.

What are your unique talents?
Magpalobo ng ilong (*boink boink*), magbilot ng laway tas paliliparin, magpatunog ng buto sa paa at tuhod ng hindi sila hinahawakan.

What are the weird things about you?
Nangangak na ung nunal ko sa ilalim ng kilay --- andami kong nunal sa mukha ngayon saka natalbog ako pag tulog haha. Basta. Haha. Laptrep.

What/Who completes you?
Nag-iisa lang – si Lord :)

Who is your crush?
Mark Lester Bambico. Saka si John Lloyd Cruz.

Who is your first kiss, except your parents/relatives?
Basta. Hahaha.

Who is your hero? your idol? your great influence?
Hero: si Jesus dahil sa salvation.
Idol: si Paul ung nasa Bible, kasi matalino na siya, faithful pa.
Great Influence: Tatay ko. Hehehe

Who is your favorite blogger?
Si Mary Ann Kidayo kahit hindi sya masyado nagbablog. Ewan lang.


Part 3: Difficult

Please answer seriously.

Kaninong cartoon character mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
Si Popeye. Kasi, siya pag may mahal, pinoprotektahan niya. Pag hindi niya kaya, naghahanap siya ng paraan para mas lumakas. Hindi siya sumusuko.

Kung gagawing telenovela ang buhay mo, anong title nito at sinong artista ang gusto mong gumanap bilang bida?
Hahaha ang hirap nito ever. Title, siguro, “Zyra”. Marami namang telenovela ang pangalan ang title. Tas bida, sana pwede si Yeng Constantino. Pag hindi, si Zooey Deschanel na lang. Haha.

Kung manalo ka sa lotto ng 100M, saan at paano mo ito gagastusin?
Kung ngayon ako mananalo, ipapasok ko sa bangko o sa investments ung kalahati para pagdating ko ng 50 years old, tumubo na yun at higit pa sa 100M. Yung 10M ibibigay ko sa church as tithes. 20M para sa parents ko. Yung natitirang 20M e pambibili ko ng mga bahay at apartment para pagtanda ko, may paupahan na kami, kikita pa rin ako. Bili din ako kotse at magfafranchise ako ng siomai house.

Kung bibigyan ka ng chance maging member ng super friends o mas kilala ngayon sa tawag na justice league, anong super power meron ka at anong pangalan mo?
Ako si Timah. I can turn back the hands of time.

Kung magkakaroon ng pambansang gulay, ano dapat ito at bakit?
Seryoso ba ito? Gawing pambansang gulay ang kangkong. Dahil makikita ito kung saan saang bahagi ng bansa. Kaya rin itong bilhin o itanim ng mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.

Kung mabibigyan ka ng pagkakataon maging isa sa bananas in pajamas, sino ka? si B1 ba o si B2? Bakit?
Si B2. Kasi siya lagi ung may unang naiisip kesa kay B1 kaya lagi niyang sinasabi --- “naisip mo ba ang naisip ko B1?”


Kung babaguhin mo ang nakasanayang tunog ng tawa from hahaha, hehehe, at hihihi, ano na dapat?
Gagawin kong “sa-wo-de-ah”. Sawodeah! Sawodeah! Sawodeah!!!!

Kung ikaw si Elisa, bakit hindi ka na lang naging si Budoy?
Dahil minsan nawawala talaga ako sa tamang landas. Kahit alam ko na ang tama, mas pinipili ko pa rin ang mali. Kaya nga, buti nalang nahanap ako ni Lord, hinila Niya ako from darkness to light J

Sino sa mga artista, local o foreign, ang sinasabi nilang look-alike mo? Kung wala huwag ipilit please.
Si Nadine Samonte. SAWODEAH!

Part 4: Bonus Round

Dedication to Potpot (freestyle, kahit gano kahaba at anong sabihin mo pwede, basta para kay Potpot)

Dear Potpot (dahil nakakabaliw ung tanong mo, ito na ang nakakabaliw kong dedication para sayo)
Thanks for allowing me to answer this slambook of yours. This is so berry lengthy. My mind has hurt that it almost got so much pain like a backstab. But I cant believe that I ran through this that I reached the finish line.See I am now on dedicating this writing of mine to you. Please take super care and love your life of my dear brother Otep Zablan. He is great - berry good artist, berry good writer, a PBA award taker. Dont make him cry baby that you break his heart, okay. I pray your head will understand my dedicating to you. Dont forget to laugh – SAWODEAH!!!

Regards,
Zyzy


-END of SLAMBOOK-

Mga naki-slam: