22 January 2013

Bentedos sa bentedos

"It must have been easier to remember your age when you were 21 every year." - Owyes! 'Coz I'm FOREVER 21. Hihi.

Isang buwan na lang ng consistent na pagkembot at may hahalili na ulit na bagong numero sa mga dokumento o papeles na nagtatanong kung ilan taon na ba kong maganda. Kung hindi pa obvious sayo, eh, magdidiwang na ako ng aking kaarawan sa bilang ng isang buwan. At na-eexcite na ako, dahil isa itong pagkakataon para mag-evolve bilang pokemon. First time in the history din na magtu-twenty-two na ko sa February 22. Kaya ipasa mo ang mensaheng ito sa 22 katao at tumalon ng dalawampu't dalawang beses at magiging magkamukha na tayo. Charaught!

Wala akong maisip na advance birthday post kundi ilahad ang mga birthday wishes ko na hopefully ay mapagbigyan ng isa sa mga nakabasa nito dito. Malay mo naghahanap ka ng taong mapapasaya this coming 2013, at heto ako basang-basa sa ulan, walang masisilungan, walang malalapitan. Sana'y may pumatak na konting biyaya galing sayo. Kung hindi mo feel edi tablado ako. 

As of this writing, eto pa lang ang mga naiisip kong birthday wish. Minsan lang kasi mag-birthday kaya minsan lang din magkaroon ng borthday wish. Lech! Antinding logic nun! Anyway. Ito ang aking mga ninanais for my habertdey:

1. Magkaroon ng bagong album ni Yeng Constantino entitled "Metamorphosis".
2. Magkaroon ng bagong album ng Up Dharma Down entitled "Capacities".
3. Magpakulay ng buhok katulad kay Yeng, pero mukhang hindi ko pa 'to maa-achieve dahil pormal dapat ang peg ko most of the time. So baka medium brown na lang muna.
4. Good health para sa akin, sa family ko at sa mga taong mahal ko.
5. Sana *insert secret wish*.
6. Sana din ay *insert secret wish for the mean time*.
7. Magkaroon ng collection ng guitar pick. Ang pinaka-achievable sa lahat.

Ayan na lang muna. Katulad ng mga mainstream hirit ng mga politiko na "wag n'yo po akong kakalimutan sa eleksyon", eh, sana ay wag n'yo rin akong kalimutan. Pero syempre wala pong pilitan. Hihi.

"A true friend remembers your birthday but not your age." 

9 comments:

  1. Sana matupad ang mga birthday wishes mo lalo na yung mga secret.. Advance Happy Birthday! :)

    ReplyDelete
  2. MJ, siguro yung pang 7 lang ang kaya kong ibigay jan AHAHAH!

    Ah, pati suguro yung 5 & 6 kapag mayaman na ko! Baka mapasubo kung anong i-iinsert mo jan e! HAHAH! :D

    ReplyDelete
  3. kapatid! 22 ka pa lang pala.. hahaha.. kala ko mag 27 na! cahrought! hahahaha.. gagawa kita ng guitar pick! hahaha

    ReplyDelete
  4. o sige hahanapin ko ung album ni yeng constantino na yan. taga mo sa bat. remind mo ko ha.

    at remind mo ang lovelife mo regarding sa hot seat :D

    ReplyDelete
  5. Advance happy birthday sis. Sana matupad lahat ng wish mo. :-D

    ReplyDelete
  6. Happy Birthday! Sana magkatotoo ang "insert secret wish" at "insert secret wish for the mean time". :)

    ReplyDelete
  7. nadecode ko yung *inser secret wish* at insert secret wish for the meantime* .. hahaha

    "happy birthday tukayo."

    (sa feb. 22 mo na basahin yung greetings ko.)

    ReplyDelete
  8. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Say Wuht?