04 March 2013

Blog Mo Ipasuot Mo Anniversary Sabak and Project Burger


Ang bilis ng panahon, naka-isang taon na pala ang Blog Mo Ipasuot Mo. At sa isang taon na ‘yun ay hindi tayo nawalan ng pagkakataon na makapag-pasaya sa mga bata. Simple lang ang layunin ng grupo – ang damitan ang mga bata sa pamamagitan ng mga blogero at blogera. Hindi naman kailangang marami kang pera o marami kang oras para maging sapat ang kasiyahan ng bawat isa. Basta galing sa puso, kung anong kayang iabot ng palad mo.

Naganap na nga ang unang anibersaryo at s’ya ring ika-anim na sabak ng grupo ng BMIM. Mag-mula nang matapos ang ika-limang sabak, eksayted na eksayted na ko dito. Hindi ko ma-explain kung anong klaseng eksaytment, basta im so eksayted!

Noong ika-2 ng Marso ay muli na namang nagtipon ang mga blogera at blogero para magtungo sa isang liblib na lugar sa Bulacan. Maaga palang ay nagkita-kita na kami sa tapat ng SM Fairview. Medyo nakakagulantang lang ang pangbungad na bati ni Joelah “Guys!!! May konting aberya tayo!” Nung sinabi n’ya yan di pa ko nakakaupo ha, okray ka teh! Ayon kay Joleng, hindi na daw kami matutuloy sa original plan – yung umakyat sa liblib na lugar, kung san may mga katutubo na s’yang pagbibigyan ng BMIM shirts. Wala daw kasi yung taong sasama sa amin, medyo delikado daw kapag wala kaming guide so dun na lang kami sa semi-bundok at semi-liblib na lugar.

Mula Fairview ay nagtungo naman kami sa bahay nila Tara, para i-meet ang Mommy n’ya kahit wala s’ya. Ang cool lang ng Mommy ni Tara at very accommodating. Doon din kami naghanda ng pagkain para sa mga bata at dito na rin kami nagpahinga habang hinihintay ang alas dos na s’yang call time namin sa lugar ng sabak. Habang hinihintay ang oras eh nag-enjoy muna ang bawat isa sa bonding ng samahan habang nag-gagayat ng gulay at nagluluto para sa pancit, nagtutupi at naglalagay ng damit sa plastic at iba pa.

Instagram ng Anniv. shirt ng BMIM mula kay Irish

Pagsapit ng alas dos ay nagpack-up na ang grupo. Bawat isa may dala-dala, kundi man yung mga pagkaen at damit, eh, yung eksaytment at ngiti. Salamat kay Kons na syang naghatid sa amin sa Paraiso. Yung mga girls dun sa Innova nakasakay, yung mga boys naman sobrang nag-enjoy dun sa pick-up. Motorcade talaga ang peg! Picture-picture pa nga sila. Camwhore lang ang mga kuya!

Medyo may pagka-bundok nga yung lugar. Malayo-layo din yung nilakad namin mula doon sa binabaan namin. Pagdating sa lugar na tinatawag nilang “Paraiso” ay agad nang inilatag ang aming mga dalahin. Nakaka-tuwa nung unti-unti nang nagdadatingan yung mga bata na kasama ang kanilang mga magulang. Yung iba may cute na cute na ngiting sumalubong sa amin. Yung iba naman medyo nahihiya, siguro mailap sila sa ganung pagkakataon. Ayon din naman sa mga tao doon, ayun ang unang beses na may dumayo sa kanila ng ganoon.

Agad na nagtulungan ang mga ate at kuya ng BMIM na tipunin ang mga bata at lagyan ng ribbon ang kanilang mga kamay as a sign of registration. Pagkatapos ay agad na sinimulan ni Joleah ang programa sa pamamagitan ng konting pakilala sa mga ate at kuya. Bibong-bibo naman na nagturo ng isang kanta at sayaw si Abbie. At ako naman ang nanguna sa prayer. Pagkatapos ay nagpalaro na kami, yung paborito naming “ Lion, Hunter and Judge” na para mas madali ay ginawang tagalog “Leon, Mangangaso at Abogado” kung san maglalaban ang dalawang grupo na parang nagja-jack ‘n poy. Nag-enjoy naman ang mga bata, at mas nag-enjoy ang mga ate at kuya dahil mas makukulit sila. Dahil medyo hiningal sila sa palaro eh hayahay muna ang mga kids habang nakikinig ng kwento ni Abbie – ang Siopao na ayaw sa Batang Matakaw. Ang galing-galing ni Abbie, pati kaming matatanda na-hooked sa bibong-bibo n’yang story telling. Sana manalo s’ya sa dadating na eleksyon, este, sa national story telling contest na gaganapin sa Museo Pambata sa March 9. Hehehe. Pero syempre, papahuli ba si Joelah sa alamat ng siomai? Syempre hindi! Pero dahil marami ang nag-violent reaction, kabilang na kami, eh hindi n’ya na ito inispluk. Kundi ay iiwan namin s’ya doon. LOL.
Nakalimutan ko na kung kanino ko to kinuha. Haha! Crdits sayo kung sino ka man.  lol

Right after storytelling ay ipinamahagi na nang grupo ang munting tulong at kasiyahan. Syempre nakadagdag sa saya ng bawat isa ang “Project Burger” ni Essa. Ang sarap ni Essa, este, yung bruger ni Essa. LELS. Nakakatuwa yung mga bata dahil behave na behave sila, which is first time na-encounter ng grupo. Nakakagulat din dahil out of nowhere bigla silang sabay-sabay nag-thank you. Nakakataba ng puso, parang tutulo nga yung luha ko sa sobrang saya. Nakakatuwa rin makita yung mga kapwa bloggers na nagtutulungan. Iba-iba man ang mga kwento namin sa buhay sa mundo ng blogging, sa pagkakataong ito naging isa kami. We shared in the same journey, wearing the same smile.

Mula naman kay Kamila

Mabilis at maikli lang ang program dahil hindi raw kami pwedeng abutin ng dilim sa daan. Kaya naman nagpack-up na ulit ang grupo. Pagdating sa sasakyan, hindi papakabog ang girls. Mega volunteer na kami naman ang sasakay sa pick-up. Hihi. So bago pa man umandar pababa ng bundok ay nagdadasal na kami. “Group hug guys!” ika ni Joleah para walang malaglag. Todo tawanan at for the kaway-kaway pa kami sa mga tao, MMFF lang ang peg mga ateng? Kulang na lang may background music na “oh girls just wanna have fun!”. Sobrang saya ng bonding na ‘yun kahit na para kaming mga tanga. Chos!

Instagram ng motorcade (chos) mula kay Kuya Poi

Sobrang saya ng kabuuan ng anniversary sabak, wala atang dull moments dahil lagi kaming nagtatawanan. Sulit ang pagod at effort mula sa pinaghalo-halong outreach, bonding, road trip at adventure.

Ngayon na realize ko na the only difference between blogging and outreach is kindness. Kaya naman salamat sa lahat ng bumuo ng araw na iyon. Sa mga kapwa bloggers sa BMIM, sa mga tao sa Bulacan, sa mga bata at syempre kay Lord who made these all things possible. Thank you po! More sabaks to come! Mwaks!


5 comments:

  1. apir! more sabaks pa! tuloy niyo na rin yung promo vid na binanggit sa akin ni paqs.. hehehe

    ReplyDelete
  2. tama! more sabak pa! sama ulet ako hahahaha!

    salamat nga pala sa pag aya saken sa BMIM! nag enjoy naman ako ihhh hehe : )

    ReplyDelete
  3. "Ngayon na realize ko na the only difference between blogging and outreach is kindness"

    BES HINDI KO MAAROK ANG IBIG MO SABIHIN JAN.. at yung picture na hindi mo alam saan mo nanakaw.. sa akin lang naman.. ibig sabihin nagbasa ka ng blog ko.. hahah salamat!

    ReplyDelete
  4. nagnakaw din ako ng picture,, at nasan naba kasi ang mga photographer natin nun? yung mga de slr?? anong petsa na???? hahahaha

    ReplyDelete
  5. congrats BMIM! til next time :D

    ReplyDelete

Say Wuht?