19 March 2013

Sa atin ang Tondo... at ang Cavite.

So paano ko ba uumpisahan? Hindi ko alam. Ang daming ideya, pero di ko alam kung paano ko ilalahad ng maayos. So bahala na. Bahala na ang tunay na pag-ibig sa paglahad ng kung ano. #Anoraw?

Hindi naman namin monthsary, lalong hindi n’ya rin birthday. Basta suddenly, I have this urge to do something that would make me a bit relieve. At oo, I feel at ease, really at ease, whenever I find myself on an image with him. Melodramatic ko noh?
Basta magsusulat lang ako, kanya-kanyang trip lang yan.I just want to tell the universe, if ever nagba-blog din ang mga taga-outer space, kung gaano ako naging mas masaya nung makilala ko s’ya.

Malinaw sa akin kung paano kami nagkakilala. Kung paano ako inintroduce sa kanya ng isang blogger (na idol ko pagdating sa pag-tula, potogprapiya at pagpinta), at kung paano naman s’ya ipinakilala sa akin ng isa pang-blogger (na itinuring kong ate sa loob at labas ng blogosperyo). So we knew each other sa picture at sa blog bago pa kami nagkakilala personally. Under the same sky, together in the same passion, nagkita kami, nagkakilala, nag-hi at hello sa isa’t isa. Ngumiti ako sa kanya with my two large front teeth at sya naman ngumiti with his gilagid, chos. Pero wala pang something-something nun. Neutral pa lang. Medyo awkward pa kami noon sa isa’t isa. Kung paano nagsimula ang ligawan eh sikretong malupit na ‘yun. Magpapaka-showbiz ako with the cliché comment “I would like to keep it private.” sabay ngiting katulad kay Angel Locsin. Naks!

Alam ko maraming humahanga sa kanya sa mundo ng blogging dahil sa estilo n’ya ng pagsusulat. Kahit ako napahanga din n’ya, at higit sa paghanga ay napakilig din… talande? Hihi. Well, well, well… Hindi ko lang maiwasan kiligin at lalong mahulog sa mga tulang sinulat n’ya na *ehem* para sa akin. Dahil hindi ko talaga mapigilan kiligin at para mainggit kayo *jooke!* ito yung isa sa mga paborito kong tula na ginawa n’ya.

Honestly, iba ang impression ko sa kanya as a blogger – yung matapang, palaban at maloko. Pero nung nakilala ko siya, ibang-iba yung character n’ya. Yung sobrang sweet, mabait, maalaga at masiyahin. Alam ko namang makulit ako, pero mas napapasaya n’ya ko sa pagiging makulit n’ya rin. Yung tatawa lang kayo sa kung ano-anong mga kababawan sa mundo. Tapos kapag nakikita ko s’yang masaya at tumatawa din parang may biglang booom! Bigla na lang nagkakaroon ng pakpak ang mga bagay-bagay. So dahil d’yan nakagawa din ako ng seryosong tula sa ingles for the first time. Londe!

Natutuwa ako sa kanya sa maraming bagay. He believes that I deserve an honest man. Minsan kahit di ko s’ya tinatanong sa kung ano eh may pagkukusa s’ya sabihin ito “for honesty policy”, ika nga niya. Kaya siguro panatag ako at naiiwasan kong maging paranoid. Lagi rin s’yang nag eexert ng extra time and effort to make me happy. Halos magkapitbahay na lang ang Tondo at Cavite para sa kanya. Pati yung mga simpleng gestures n’ya, like kapag naglalakad kami sa kalsada never n’yang nakakalimutan na ilagay ako sa safe zone. Yung he never forgets to return my texts and calls. Yung he treat me like a princess when we're on a date. Yung consistency, kapag sinabi kong "ingat ka" matik n'yang reply "para sayo...", eversince kahit di pa kami eh ganun na s'ya at hanggang ngayon ganun pa rin s'ya. Yung kapag mahuhuli ko s’yang nakatingin sa ‘kin sasabihin n’ya “ang ganda mo...” with seryosong mukha at booom! Biglang nagkagulo ang mga saiyan sa planet nemic dahil umabot doon ang buhok ko! 

Hindi ko sinasabing perpekto ang relationship namin. Minsan di rin kami nagkakaintindihan, but that doesn't mean na "let go", "give up" o "it's over" na ang peg n'yo. "Sorry" is the word and "Acceptance" is the key. Sabi nga ni Sir Ricky Lee, kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo - yan daw ang tatlong K ng pag-ibg. Kabog, kilig, kirot.

Thankful ako kay Lord na dumating s'ya. Alam ko may mga bagay kaming dapat pagdaanan. Fair pa rin naman ang mundo. Kung sa bawat tatlong saya eh may isang lungkot eh keri na. Hindi na ko lugi 'nun. Basta masaya akong makita s'ya, mapa-personal o sa litrato pa. Magpapalakas ako ng katawan at loob para sa kanya, at syempre magdadasal. Dahil masayang pagmasdan ang mga bagay lalo na kapag nangingibabaw ang pagmamahal.



17 comments:

  1. KAYO NA ANG SWEET!

    kidding aside, i'm so glad na happy kayon'g dalawa. basta don't rush. be responsible. yun lang :)

    ReplyDelete
  2. ansabe? tunay na pag ibig nga naman hihihi.. nice

    ReplyDelete
  3. ayiiiii! ang sweet iihhh! hehe.. ^_^ keep up nyo lang yan hehe... masarap talaga pag nagmamahalan kayo ng partner nyo.. basta may unawaan kayong dalawa at tiwala sa isat-isa malalagpasan nyo yang mga pagsubok na yan : )

    wish you two all the best ^_^ cheers!

    ReplyDelete
  4. yun o! ang sweet o! :)

    direkaleckx01.blogspot.com

    ReplyDelete
  5. Hnd mo pnpkilala sakin c pablo mo!!!!

    ReplyDelete
  6. ayiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii... yeah kilig, kabog, kirot!....

    Kampai!!!!! ^_^V

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. koreanovela ang title: TALANDE

    sabi ko na nga eh, kakaBMIM eh. pero kinilig ako ah. isang pagpag..kilig

    ReplyDelete
  9. kabog ka sa linya na ito... “I would like to keep it private.” sabay ngiting katulad kay Angel Locsin. Naks!

    oohh ang sweet naman nito; "kapag sinabi kong "ingat ka" matik n'yang reply "para sayo...""

    kung san kayo masaya.. support support lang ako ganyan.. hahaha......

    ReplyDelete
  10. telelalasweeettt naman

    buong buo ang pagiibigan! woooossshh so happy for u sis. keep the fire burning there hehe

    ReplyDelete
  11. kinikilig ako.. hahaha


    Tatalande niyo. pero seryoso.

    ang ngiti ko ngayon abot din hanggang planet nemic. lol

    pwede bang kiligin ulit?

    ReplyDelete
  12. Masama kiligin. Wala sa bokubolaryo ko ang kiligin. Pero boom na boom, hahahahaha,



    Punyeta, kinikilig akoooooooooo :")))))))Kambal, gow sagow lang yan. Halamoyan :)))

    ReplyDelete
  13. hay, kakakilig naman.. *^__^*
    sarap talaga ma-in love ♥

    ReplyDelete
  14. awww.. <3 ikaw na ang may lovelife teh! :)

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
  15. soOoOobbbbrrrrrang kakilig naman !.. wetwew.. ayos yan .. hindi bawal ang mainlove ng paulit-ulit araw-araw sa taong mahal mo naman ng totoo ....

    ReplyDelete
  16. bakit kasi ngayon lang ako nagback read ako pa naman no. 1 fan ng love story nyo..lels! habang nag babasa ako kinikilig ako, naalala ko ang gilagid ni papa pablo pag tuwang tuwa dahil sayo..hahahaha.. happy for you!

    ReplyDelete

Say Wuht?