31 July 2013

2x2

Minsan nang may nagsabing photogenic daw ako. Syempre may pagkauto-uto din ako kaya naniwala naman ako. Pero aaminin ko depende yung reaction ng fes ka sa kung sinong kumukuha ng picture. Kung may pekchurs man ako na kinasusuklaman ko (OA lungs?) eh siguro yun yung mga 1x1, 2x2 and other pictures taken from studios. Yung mga requirement na pics sa school, office and other agencies. Kung pwede lang sana magpasa ng picture ko na naka-peace sign, duck face, wacky at yung kabog na selfie eh ginawa ko na. Para naman hindi ako laging mukhang nalulugi.
Fail kasi lagi talaga yung mga 2x2 pics ko. Nahihiya nga ko ipasa yun sa mga nangangailangan nun. Yung itchura ko mukhang suspect sa isang krimen, o mukhang di nakakaen ng isang linggo. Basta ang chaka forevs. Hindi naman sa maarte at choosy ako, pero parang ganun na nga. O s'ya sige di ko na ie-explain masyado. Eto yung kanina pang tinutukoy ko.


Dahil #tbt naman ngayon.


Mang-bash sa picture kong 'yan papa-salvage ko. Charaught! Sa totoo lang pag nagpapakuha ako ng litrato sa studio hindi mapakali yung mga muscles ko sa mukha. Hindi ako sigurado kung ngingiti ba ko o neutral lang. Pero sabi nila dapat daw neutral lang ang feslak. Eh yung neutral ko kaya naka-nganga! Baka ika-salvage ko pa yun if ever may makakita nun. Mas feel ko yung naka-smile kasi I want to show may unkaboggable asset - my two front teeth. Umalma lalaslasin ko! Lels. Kaso naman ang awkward din ng smile ko sa mga 2x2. Hindi kasi ako kumportable ngumiti sa mga photographer sa studio. Feeling ko pagtatawanan nila ako the moment na mag-hi and hello yung front teeth ko. Kaya medyo nahihiya yung smile ko. Hindi ko alam kung syndrome na maitatawag yun. Kung meron man, imbento ko lang yun. At tsaka nakakahiya din kasi magpaulit-ulit ng kuha sa mga photographer dun, baka sabihin ang arte ko. Beside di naman din unli shot sa mga ganun. Usually two shots lang tapos papapiliin ka na nila kung alin dun. Wala rin naman silan pakialam sa magiging itchura mo. Ganyan.

Recently kinailangan ko ulit ng 2x2 pic. Dahil nga hesitant ako magpunta ng studio naki-usap ako kay Karl na picturan n'ya na lang ako. So... dahil si Karl naman ang magpi-picture eh at last na-achieve ko na ang gusto kong i-peg and all that shiz!



Ansabe? Effect! LOL

20 comments:

  1. nuks! may transition epek! paganda ng paganda hahahaha! kahit ako hate na hate ko mga 1x1 at 2x2 pictures galing studio.. minsan kahit hindi nga galing studio eh.. hindi kasi ako putogenik :)

    ReplyDelete
  2. gandang di mo inakala. ^_^ pang manager ang last pic mo jheng. oks na oks. :D

    ReplyDelete
  3. Ako, tinanggap ko na akon katotohanang hindi talaga ako mapapagwapo at mapagandang lalaki sa kahit anong klaseng litrato. Ayoko nang pinapapose ako. Kaya siguro mas pinili kong maging photographer (o ayan kini-claim ko na naman, dagdag pressure ito hahaha). Pero katulad nga nang sinabi mong may ilang pagkakataon na kailangan ng picture na pang pasa sa kung saan-saan katulad ng school at government IDs mas nagiging horror para sa akin at sa photographer ang lahat. hahaha

    Ang ayoko lang sa lahat ay yung pinophotoshop yung mukha ko lalo yung part ng buhok. Yung sa passport ko dati kamuntik ko na gulpihin dahil dahil pagpophotoshop.

    *******Yan ang gandang bumihag sa puso ni Karl Bermudez/Richard Gutierrez hahaha

    ReplyDelete
  4. ang ganda. winner ang last photo.

    ReplyDelete
  5. ganda naman .. lalo na nung hair .. wagi naman na .. hehe..
    ako naalala ko nun college ako meron din akong nagustuhan na 1x1 naman na picture ko, hihihi, at ayun .. yun ang ginawa kong giveaway sa mga classmates ko .. wala sila magawa kaya tinanggap na lang nila .. wahahaha

    ReplyDelete
  6. ganda parin naman, pero looking forward parin for more selfie pics. :)

    ReplyDelete
  7. wow... evolution ba ito? Wapak! Ei, dear friend,mukha kang gutom sa tbt pic...bwahahaha...

    ReplyDelete
  8. try mo naman ang passport size photo hehehee.

    ReplyDelete
  9. Yan ang sinasabi ko eh... Gandang di mo inakala...

    ReplyDelete
  10. ANSAVEH NG ULTIMATE TRANSFORMATION???! bongga! bet na bet ko ang pagkakeme ng kilay mo gurl.

    ReplyDelete
  11. kaya kadalasan, ayoko magpapicture.. olats talagaa eh.. hehehe

    ReplyDelete
  12. ito rin ang iniiwasan ko un mga picture na ganito, minsan kc my anggulo na nkakatwa,chaka na nga lalo png nsama.
    ok un old pic ah, transformation to new 1 parang metamorphosis.

    ReplyDelete
  13. PABS, ASAN KA NA? PAPA-2X2 DIN AKO O!

    ReplyDelete
  14. naks naman iba talaga ang nagagawa sa pag ibig bloooming ang huling larawan hahaha....

    ReplyDelete
  15. Panalo yung unang pic MJ.. pero tama ka hate na hate ko yang 2x2 at 1x1 na yan.. lalo pa kung may hawak kang name tag lol.. parang bibitayin lungs..

    ReplyDelete
  16. Ganda lang sa latest picture. Superb! Ang dami ko ring mga 2x2 or 1x1 picture na lakas makabatang city jail kaya ramdam kita sis. Miss you by the way!! =)

    New blog here

    superjaid.blogspot.com

    ReplyDelete
  17. Cute! Ako may mga 2x2 photos na hindi na muling sinikatan pa ng araw LOL.

    ReplyDelete
  18. pangarap kong maging pogi sa mga 2 x2 picture ko. hahhahah


    at muakng magiging pangarap n lng ang lahat.

    :p

    ReplyDelete
  19. pareho tayo ng problema hahahha mga studio pics ko for 2x2 at kung ano2x eh super parang ansabog... hahaha!

    pero in fairness naman sa'yo, ang ganda mo pa rin sa mga pics!!!

    -Steph
    www.traveliztera.com

    ReplyDelete
  20. ang ganda ^_^ kaso baka pangarap lang kita haha

    ReplyDelete

Say Wuht?