22 September 2013

IMAGINE DRAGONS

Hindi ako marunong gumawa ng comprehensive music review. Basta pumasa sa pandinig ko, pasok na yun sa banga ng playlists ko.

Just recently, I found this malakas maka-hipster na banda, the "Imagine Dragons". Araw-araw ko s'yang naririnig sa office. Since newbie pa lang ako sa trabaho, eh, low profile ang peg ko. Tipong mahiyain, introvert, medyo snob. Ganyan. Kaya kahit gustong-gusto ko itanong sa katrabaho ko, na itago natin sa pangalang Ben, kung anong banda yung lagi n'yang pinapatugtog eh nahihiya ako. Baka kasi isipin ni Ben naghahanap ako ng common ground para maging close kami. Duh. Pero mabait si Ben, s'ya ang katuwang ko sa mga ginagawa ko sa office. Isang araw nagdiskusyon kami ni Ben kung paano namin mapapadali ang trabaho namin at kasama na rin dun ang mga rants habang ang background music namin ay ang kantang malakas maka-hipster. Out of nowhere habang patuloy sa pagra-rants si Ben ay bigla kong naitanong "sinong kumanta n'yan?" referring to the background music. Walang pag-aatubili namang pinasa ni Ben ang link nung kanta sa youtube para raw mapakingggan ko lahat ng kanta nila. At ayun, end of rants and conversation.

Unti-unti na nga kong na-hook sa Imagine Dragons. Wala akong idea kung matagal na sila sa music scene at kung matagal ng sumikat ang mga kanta nila. Malay ko kung ngayon lang ako nausuhan. Basta ang massabi ko lang, magaganda ang kanta nila. Masarap s'yang pakinggan sa byahe habang ini-imagine mo ang future. Sa trabaho habang naka-earphone, mas nakaka-focus ka sa ginagawa mo. Sa bahay, tuwing rest day, ng hindi nakaka-abala sa neighbors dahil chill lang ang tugtugan. Basta ayun, try listening to their music, maiba lang.

Imagine Dragons - Night Vision (2012)
Genre: Alternative Rock
 
Track List

1. Radioactive
2. Tiptoe
3. It's Time
4. Demons
5. On Top of the World
6. Hear Me
7. Amsterdam
8. Every Night
9. Bleeding Out
10. Underdog
11. Nothing Left to Say / Rocks
12. Working Man
13. Fallen


10 comments:

  1. dati akong na-LSS sa kanta nilang "It's Time". hehe.. ang alam ko nabanggit ko yun sayo kasi nasa inyo akpnung nagDL ako ng kantang yun eh..

    ReplyDelete
  2. madownload nga yan sa youtube hahahah

    ReplyDelete
  3. Kapatid love ko din imagine dragons! At nagulat ako nabuhay si jobo!

    ReplyDelete
  4. Hipster ka pala hehe you remind me of this girl classmate/friend I had in college na sobrang hilig sa mga unknown bands. Lakas rin maka-hipster nun. She carried around this bulky cassette tape player. Panahon na ng mga iPods nun ah.

    Hipster = Cool (for me)

    ReplyDelete
  5. Replies
    1. Apir!! Same here. Sana may mahanap. Hahaha =))

      Delete
  6. currently listening d-_-b
    magandang pakinggan, lalo na pag umuulan :D

    ReplyDelete
  7. Sumikat yung It's Time partly because of the promotional Vid of Perks of Being A Wallflower tsaka s aisang ep ng Glee. Congrats you've discovered them. Patay na patay ako sa kanila last year. eto: http://oliver125.blogspot.com/2012/10/epic-song-is-epic.html ANd if you have the time, you could also watch the #Perks film. have a nice day ahead!

    ReplyDelete

Say Wuht?