19 March 2013

Sa atin ang Tondo... at ang Cavite.

So paano ko ba uumpisahan? Hindi ko alam. Ang daming ideya, pero di ko alam kung paano ko ilalahad ng maayos. So bahala na. Bahala na ang tunay na pag-ibig sa paglahad ng kung ano. #Anoraw?

Hindi naman namin monthsary, lalong hindi n’ya rin birthday. Basta suddenly, I have this urge to do something that would make me a bit relieve. At oo, I feel at ease, really at ease, whenever I find myself on an image with him. Melodramatic ko noh?
Basta magsusulat lang ako, kanya-kanyang trip lang yan.I just want to tell the universe, if ever nagba-blog din ang mga taga-outer space, kung gaano ako naging mas masaya nung makilala ko s’ya.

Malinaw sa akin kung paano kami nagkakilala. Kung paano ako inintroduce sa kanya ng isang blogger (na idol ko pagdating sa pag-tula, potogprapiya at pagpinta), at kung paano naman s’ya ipinakilala sa akin ng isa pang-blogger (na itinuring kong ate sa loob at labas ng blogosperyo). So we knew each other sa picture at sa blog bago pa kami nagkakilala personally. Under the same sky, together in the same passion, nagkita kami, nagkakilala, nag-hi at hello sa isa’t isa. Ngumiti ako sa kanya with my two large front teeth at sya naman ngumiti with his gilagid, chos. Pero wala pang something-something nun. Neutral pa lang. Medyo awkward pa kami noon sa isa’t isa. Kung paano nagsimula ang ligawan eh sikretong malupit na ‘yun. Magpapaka-showbiz ako with the cliché comment “I would like to keep it private.” sabay ngiting katulad kay Angel Locsin. Naks!

Alam ko maraming humahanga sa kanya sa mundo ng blogging dahil sa estilo n’ya ng pagsusulat. Kahit ako napahanga din n’ya, at higit sa paghanga ay napakilig din… talande? Hihi. Well, well, well… Hindi ko lang maiwasan kiligin at lalong mahulog sa mga tulang sinulat n’ya na *ehem* para sa akin. Dahil hindi ko talaga mapigilan kiligin at para mainggit kayo *jooke!* ito yung isa sa mga paborito kong tula na ginawa n’ya.

Honestly, iba ang impression ko sa kanya as a blogger – yung matapang, palaban at maloko. Pero nung nakilala ko siya, ibang-iba yung character n’ya. Yung sobrang sweet, mabait, maalaga at masiyahin. Alam ko namang makulit ako, pero mas napapasaya n’ya ko sa pagiging makulit n’ya rin. Yung tatawa lang kayo sa kung ano-anong mga kababawan sa mundo. Tapos kapag nakikita ko s’yang masaya at tumatawa din parang may biglang booom! Bigla na lang nagkakaroon ng pakpak ang mga bagay-bagay. So dahil d’yan nakagawa din ako ng seryosong tula sa ingles for the first time. Londe!

Natutuwa ako sa kanya sa maraming bagay. He believes that I deserve an honest man. Minsan kahit di ko s’ya tinatanong sa kung ano eh may pagkukusa s’ya sabihin ito “for honesty policy”, ika nga niya. Kaya siguro panatag ako at naiiwasan kong maging paranoid. Lagi rin s’yang nag eexert ng extra time and effort to make me happy. Halos magkapitbahay na lang ang Tondo at Cavite para sa kanya. Pati yung mga simpleng gestures n’ya, like kapag naglalakad kami sa kalsada never n’yang nakakalimutan na ilagay ako sa safe zone. Yung he never forgets to return my texts and calls. Yung he treat me like a princess when we're on a date. Yung consistency, kapag sinabi kong "ingat ka" matik n'yang reply "para sayo...", eversince kahit di pa kami eh ganun na s'ya at hanggang ngayon ganun pa rin s'ya. Yung kapag mahuhuli ko s’yang nakatingin sa ‘kin sasabihin n’ya “ang ganda mo...” with seryosong mukha at booom! Biglang nagkagulo ang mga saiyan sa planet nemic dahil umabot doon ang buhok ko! 

Hindi ko sinasabing perpekto ang relationship namin. Minsan di rin kami nagkakaintindihan, but that doesn't mean na "let go", "give up" o "it's over" na ang peg n'yo. "Sorry" is the word and "Acceptance" is the key. Sabi nga ni Sir Ricky Lee, kakabog ang dibdib mo, kikilig ang kalamnan mo at kikirot ang puso mo - yan daw ang tatlong K ng pag-ibg. Kabog, kilig, kirot.

Thankful ako kay Lord na dumating s'ya. Alam ko may mga bagay kaming dapat pagdaanan. Fair pa rin naman ang mundo. Kung sa bawat tatlong saya eh may isang lungkot eh keri na. Hindi na ko lugi 'nun. Basta masaya akong makita s'ya, mapa-personal o sa litrato pa. Magpapalakas ako ng katawan at loob para sa kanya, at syempre magdadasal. Dahil masayang pagmasdan ang mga bagay lalo na kapag nangingibabaw ang pagmamahal.



11 March 2013

Breakdown or Breakthrough?

I may have all the fancy things, awesome moments and the dearest people in my life. But I am still empty and nothing without Christ, who indeed gives me all the strength and unbounded love. It's been a long time since I last felt this, being blessed with the highest power. Alam n'yo yun? Yung rare moment na gustong pumatak ng luha mo sa sobrang saya? I could have cried a river for being overwhelmed, but I tried to pull my tears up, because that moment God embraced me and all of a sudden my worries and burdens subside.

Usually, Karl visit me every weekend, but he's sick kaya ako naman ang pumunta sa kanya. Beforehand, sinabi ko na gusto kong pumunta ng The Feast sa PICC. Since malapit lang sila doon, I want to take advantage, at para na rin may makasama ako for the first time.  Buti na lang hindi nag-dalawang isip ang giliw na sumama sa akin. Knowing his condition, gumising din s'ya ng maaga para samahan ako. Tapos umuulan pa, at nakalimutan namin ang payong. Pero hindi naman kami napigilan nito. Parang inenjoy na lang din namin ang ulan. Nung una, CCP ako ng CCP, sa PICC pala yung place.

So there... we begin to enter the PICC. May mga usherettes na nag-aabot ng Kerygma. At sobrang natuwa ako kasi for free s'ya! Aside dun sa weekly Mag na binibigay. Ang daming tao, like the last time na nanggaling ako doon. Naabutan namin yung misa, dun na sa part ng Homily na umikot sa Gospel, which is "The Parable of the Prodigal Son". Ang ganda ng Homily ni Father whom I forgot the name *sorry*. "Umuwi ka na anak, the Father is waiting for you kahit gaano pa kasakit o kasama ang pinagdaanan mo." ika nga ni Father. Isa pa sa dinadayo ko sa The Feast is yung full band na misa. As in full band, may banda na may orchestra pa. May lead singers, then my choirs. Talagang feel na feel ko yung presence ni Lord through songs of praise.

After ng misa, time na para sa preach ni Bro. Bo Sanchez. Bigla akong na-excite ng lumabas s'ya. I admire him, as always. Aside from his inspirational books, he has never failed to astound me through his preaching.

The Feast has "EMO Series" before the Easter Season. And today is the Talk #2: FOCUS ON THE GOOD.




"Don't manage your FEELINGS, manage your FOCUS."



Most of the time, feelings are inevitable. Specially yung mga intense feelings. You cannot just say na "hindi na ko galit!" or "hindi ako ma-i-inlove!". Hindi nga naman ganoon kadali i-dictate sa sarili kung ano ang dapat mong maramdaman. Sometimes, feelings are mere reactions. And we can choose the way we react to certain things. It is necessary to pay attention and needless to say - FOCUS to shift intense and unanticipated feelings that would probably ruin the situation you are in.

"Your Focus creates your REALITY."



Bro. Bo says "For the next 40 days, try to think all of the bad things happening in your life." After ng 40 days na puro bad vibes eh hindi imposibleng mapraning ka ng tuluyan. You will feel depressed, stressed and frustrated. Kapag nag-focus ka on the bad things, eventually, it will change your feelings. So what if in the next 40 days you think and focus on the good things in life? I bet, good vibes ka lagi! Kung masaya at masarap lagi ang pakiramdam mo, possibilities are magiging positive person ka at magagawa mo yung mga bagay na gusto mong gawin with delight and passion. So FOCUS creates reality.

"EMOTION comes from MOTION."




Sabi nga ni Bro. Bo "Ya gotta do what 'ya gotta do." I remember one of the famous lines during our 2011 Easter Youth Celebration: "The more you pray, the more you want to pray." Emotion comes from the motion. If you start to do something consistently, you begin to love what you're doing. "Passion is doing what you love and what you do not love to do for the people you love." - Bo Sanchez. 



For better understanding, Bro. Bo made further explanation on how to focus on the good things. May dalawang halaman sa stage. Yung isang paso may plants with ugly fruits (parang monsters and zombies yung itsura), yung isa naman plants with large sunflower and other beautiful fruits. He held the sprinkler and asks the audience "Will you pour water on the bad plants? Or watered the good one? Will you nourish on the bad things or focus on the good things?"

Breakdown or breakthrough?

Indeed, ang dami kong natutunan at na-realize. And I am very happy na si Karl yung una kong nakasama sa The Feast. Nung sinabi ni Bro. Bo na sabihin sa katabi mo na "You are my blessing." I hug him very tight and said "You are my blessing." Medyo natatawa s'ya, kasi awkward. Hehe. Pero sobrang happy ko talaga dahil after The Feast may input si Karl tungkol sa diniscuss ni Bo Sanchez.

So ayun lang naman. I hope mayroon din kayong napulot na words of wisdom or food for the soul.




"God's love descend on the people who act in faith." - Bro. Bo Sanchez

DISCLAIMER: All photos were grabbed from http://www.facebook.com/TheFeastPicc. Credits to the real owner.

04 March 2013

Blog Mo Ipasuot Mo Anniversary Sabak and Project Burger


Ang bilis ng panahon, naka-isang taon na pala ang Blog Mo Ipasuot Mo. At sa isang taon na ‘yun ay hindi tayo nawalan ng pagkakataon na makapag-pasaya sa mga bata. Simple lang ang layunin ng grupo – ang damitan ang mga bata sa pamamagitan ng mga blogero at blogera. Hindi naman kailangang marami kang pera o marami kang oras para maging sapat ang kasiyahan ng bawat isa. Basta galing sa puso, kung anong kayang iabot ng palad mo.

Naganap na nga ang unang anibersaryo at s’ya ring ika-anim na sabak ng grupo ng BMIM. Mag-mula nang matapos ang ika-limang sabak, eksayted na eksayted na ko dito. Hindi ko ma-explain kung anong klaseng eksaytment, basta im so eksayted!

Noong ika-2 ng Marso ay muli na namang nagtipon ang mga blogera at blogero para magtungo sa isang liblib na lugar sa Bulacan. Maaga palang ay nagkita-kita na kami sa tapat ng SM Fairview. Medyo nakakagulantang lang ang pangbungad na bati ni Joelah “Guys!!! May konting aberya tayo!” Nung sinabi n’ya yan di pa ko nakakaupo ha, okray ka teh! Ayon kay Joleng, hindi na daw kami matutuloy sa original plan – yung umakyat sa liblib na lugar, kung san may mga katutubo na s’yang pagbibigyan ng BMIM shirts. Wala daw kasi yung taong sasama sa amin, medyo delikado daw kapag wala kaming guide so dun na lang kami sa semi-bundok at semi-liblib na lugar.

Mula Fairview ay nagtungo naman kami sa bahay nila Tara, para i-meet ang Mommy n’ya kahit wala s’ya. Ang cool lang ng Mommy ni Tara at very accommodating. Doon din kami naghanda ng pagkain para sa mga bata at dito na rin kami nagpahinga habang hinihintay ang alas dos na s’yang call time namin sa lugar ng sabak. Habang hinihintay ang oras eh nag-enjoy muna ang bawat isa sa bonding ng samahan habang nag-gagayat ng gulay at nagluluto para sa pancit, nagtutupi at naglalagay ng damit sa plastic at iba pa.

Instagram ng Anniv. shirt ng BMIM mula kay Irish

Pagsapit ng alas dos ay nagpack-up na ang grupo. Bawat isa may dala-dala, kundi man yung mga pagkaen at damit, eh, yung eksaytment at ngiti. Salamat kay Kons na syang naghatid sa amin sa Paraiso. Yung mga girls dun sa Innova nakasakay, yung mga boys naman sobrang nag-enjoy dun sa pick-up. Motorcade talaga ang peg! Picture-picture pa nga sila. Camwhore lang ang mga kuya!

Medyo may pagka-bundok nga yung lugar. Malayo-layo din yung nilakad namin mula doon sa binabaan namin. Pagdating sa lugar na tinatawag nilang “Paraiso” ay agad nang inilatag ang aming mga dalahin. Nakaka-tuwa nung unti-unti nang nagdadatingan yung mga bata na kasama ang kanilang mga magulang. Yung iba may cute na cute na ngiting sumalubong sa amin. Yung iba naman medyo nahihiya, siguro mailap sila sa ganung pagkakataon. Ayon din naman sa mga tao doon, ayun ang unang beses na may dumayo sa kanila ng ganoon.

Agad na nagtulungan ang mga ate at kuya ng BMIM na tipunin ang mga bata at lagyan ng ribbon ang kanilang mga kamay as a sign of registration. Pagkatapos ay agad na sinimulan ni Joleah ang programa sa pamamagitan ng konting pakilala sa mga ate at kuya. Bibong-bibo naman na nagturo ng isang kanta at sayaw si Abbie. At ako naman ang nanguna sa prayer. Pagkatapos ay nagpalaro na kami, yung paborito naming “ Lion, Hunter and Judge” na para mas madali ay ginawang tagalog “Leon, Mangangaso at Abogado” kung san maglalaban ang dalawang grupo na parang nagja-jack ‘n poy. Nag-enjoy naman ang mga bata, at mas nag-enjoy ang mga ate at kuya dahil mas makukulit sila. Dahil medyo hiningal sila sa palaro eh hayahay muna ang mga kids habang nakikinig ng kwento ni Abbie – ang Siopao na ayaw sa Batang Matakaw. Ang galing-galing ni Abbie, pati kaming matatanda na-hooked sa bibong-bibo n’yang story telling. Sana manalo s’ya sa dadating na eleksyon, este, sa national story telling contest na gaganapin sa Museo Pambata sa March 9. Hehehe. Pero syempre, papahuli ba si Joelah sa alamat ng siomai? Syempre hindi! Pero dahil marami ang nag-violent reaction, kabilang na kami, eh hindi n’ya na ito inispluk. Kundi ay iiwan namin s’ya doon. LOL.
Nakalimutan ko na kung kanino ko to kinuha. Haha! Crdits sayo kung sino ka man.  lol

Right after storytelling ay ipinamahagi na nang grupo ang munting tulong at kasiyahan. Syempre nakadagdag sa saya ng bawat isa ang “Project Burger” ni Essa. Ang sarap ni Essa, este, yung bruger ni Essa. LELS. Nakakatuwa yung mga bata dahil behave na behave sila, which is first time na-encounter ng grupo. Nakakagulat din dahil out of nowhere bigla silang sabay-sabay nag-thank you. Nakakataba ng puso, parang tutulo nga yung luha ko sa sobrang saya. Nakakatuwa rin makita yung mga kapwa bloggers na nagtutulungan. Iba-iba man ang mga kwento namin sa buhay sa mundo ng blogging, sa pagkakataong ito naging isa kami. We shared in the same journey, wearing the same smile.

Mula naman kay Kamila

Mabilis at maikli lang ang program dahil hindi raw kami pwedeng abutin ng dilim sa daan. Kaya naman nagpack-up na ulit ang grupo. Pagdating sa sasakyan, hindi papakabog ang girls. Mega volunteer na kami naman ang sasakay sa pick-up. Hihi. So bago pa man umandar pababa ng bundok ay nagdadasal na kami. “Group hug guys!” ika ni Joleah para walang malaglag. Todo tawanan at for the kaway-kaway pa kami sa mga tao, MMFF lang ang peg mga ateng? Kulang na lang may background music na “oh girls just wanna have fun!”. Sobrang saya ng bonding na ‘yun kahit na para kaming mga tanga. Chos!

Instagram ng motorcade (chos) mula kay Kuya Poi

Sobrang saya ng kabuuan ng anniversary sabak, wala atang dull moments dahil lagi kaming nagtatawanan. Sulit ang pagod at effort mula sa pinaghalo-halong outreach, bonding, road trip at adventure.

Ngayon na realize ko na the only difference between blogging and outreach is kindness. Kaya naman salamat sa lahat ng bumuo ng araw na iyon. Sa mga kapwa bloggers sa BMIM, sa mga tao sa Bulacan, sa mga bata at syempre kay Lord who made these all things possible. Thank you po! More sabaks to come! Mwaks!