12 December 2014

Mapanglaw

Pasado alas tres ng madaling araw, buhay pa rin ang diwa ko. Paanong hindi? Eh, ngayon lang nagkaroon ng tubig. Medyo nabubulok na yung sistema ng kooperatibang nagsu-supply ng tubig dito sa amin. May schedule na ang tubig. Isang malabong schedule, wala ni kapiranggot na clue kung kailan magkakaroon ng tulo sa gripo. Kaya naman heto ako alerto sa pag-aabang.

Ang tahimik sa buong bahay, parang inangkin ko ang buong gabi para kausapin ang sarili ko, ang mga bagay na hindi ko na nararamdaman at ang mga taong hindi ko na nasisilayan. Nakaka-miss din naman. Siguro nga nasa estado ako ng pangungulila. Mahirap man tanggapin, pero sa alaala ko na lang talaga mararanasan yung mga pakiramdam na niyayakap ka ng nanay at tatay mo. Masasabi mo na lang sa sarili mo na "Masasanay ka rin."

Masaya pa rin naman ako. Nung mawala si erpat wala akong naramdamang sakit, puro kalungkutan lang ang humila sa mga luhang umagos sa mata ko. Siguro marahil sobrang payapa siyang namaalam habang hawak ang mga kamay ko. Doon lang sa puntong iyon ko nakitang pumatak ang luha n'ya. Doon na rin nakita ko ang isang pangako. Pangako na nandyan pa rin sila, in spirit, para sa amin.

Mahirap, pero kakayanin. Ayun lang naman.

1 comment:

  1. I am extremely impressed along with your writing abilities, Thanks for this great share.

    ReplyDelete

Say Wuht?