21 August 2015

Clingy


So far, isa ito sa mga masasayang araw ng buhay ko dito sa Budai. It was a mix of gain in spirtual abundance, immersing yourself to basic and simple joys to achieve contentment.

Simple joy ang topic sa the Feast Dubai ngayong session. Second time ko na rin tumugtog sa community as part of the music ministry. And I really feel genuinely happy to be part of the LOJ Family. Sabi nga nila, it's an "unspeakable joy" when you committed yourself to a life fully controlled by God. 

Isa rin sa mga naging blessings is yung mga bagong friendships. I am grateful to be in circle of people who find happiness in simple things. Though they've been blessed in so many ways sobrang humble pa din nila. 

After the Feast, we went to Taza for dinner, isa sa mga fast food chains na may masarap na fried chicken. Para siyang Jolibee or KFC sa Pinas pero kakaiba yung spice ng chicken nila, malasa. Everyone gave their equal share for the food. We're 10: Me, Stacey, Shana, Em, Hari, JM, Jonna, Aries, Christian and Adi. We got the family bucket (20 pcs chicken ata yun with fries, coleslaw and parata), pray before the meal then konting kwentuhan about personal ka ek-ekan habang kumakain. I just love how everyone shares the food to one another. Walang hiyaan, wala rin namang basubas. Kalma kalma lang. Pagakatapos kumain, biglang nagkaroon ng initiation sa mga bagong salta sa grupo - Ako, si Stacey at si Em. Kailangan magbahagi ang lahat. Medyo weird at nakakatawa. Kailangan lang gamitin yung mga pangalan namin sa kanta, para bang bulagaan portion na may knock knock who's there. Dapat lahat may participation o "contribution". Hindi yung nakikitawa ka lang ng nakikitawa. The next thing I know, composer na kaming lahat. Kailangan mai-way na mailapat ang mga pangalan sa kanta. It was funny how everyone get pressured kapag may isang bumanat ng magandang kanta. Bigla kang mapapaisip at kailangan ipush mo ang punchline mo with confidence and conviction, way of delivery is a plus dapat mabitawan mo yon ng maganda bago pa sumabog ang tawa mo. 



Afterwards dumating si Gel and RA, nagtuloy-tuloy ang mga banat at kasiyahan. It's getting late at nagkaayaan sa Mcdo para mag-kape. Nakakatuwa na pinili ng grupo ang simpleng kape over the fancy ones. For 12 aed pwede ka na magkaroon ng hot choco, cappucino or frapuccino. Masarap din naman at maganda rin ang presentation. Kung pwede nga lang eh sa sariling bahay na lang mag-kape ng 3in1, pero since may conflict pa sa mga schedules baka next week na namin yun gawin. 



Syempre di mawawala ang icebreakers or mga palarong one step lower sa larong pambansa. Ang unang laro eh yung magbibilang kayo from 1 to nth, one person per count at pag tumapat ka sa either 3, 6 or 9 digit bawal mag literal na bilang, kailangan lang pumalakpak. Sunod yung walang kamatayang pang all-time na category game. At sobrang the best yung mga tawa habang tumatagal ang laro, lalo na dun sa part ng magbigay ng leading man sa ABS-CBN:

Gel: Noli De Castro
Us: At sino namang naging ka-partner nun? (to validate na leading man nga si Kabayan)
Gel: Si Korina! (Okaaaaayyy, reasonable naman. Accepted!)
RA: Oh ehdi si Julius Babao. leading man ni Tintin Bersola
Everyone: LOL
Shana: Si Big Brother!
Me: Asawa ni?
Shana: Big Sister! (The best si Shana sa part na yan)
Me: John Llyod Cruz!
Them: Oy nasabi na yan!
Me: Ehdi John Llyod Cruz the third! (Lol)

Isa pang epic na category.

Shana: (Starting the round with confidence) Magbigay ng pangalan ng bansa! DUBAI! (2 points for Shana for being the best among the rest)

At marami pa ngang iba. Sobrang saya, nag hello to the world ulit yung ngala-ngala ko sa kakatawa. These people are simply the best! 



2 comments:

  1. Very informative, keep posting such good articles, it really helps to know about things.

    ReplyDelete
  2. Nyaha! Nalaro niyo na pala yung 3,6,9. Apir! Dondoh!! Sulat pa mooorreee! :)

    ReplyDelete

Say Wuht?