25 October 2015

Zenath Building

Siguro nga I'm a strong person as to what people perceive kasi laging I deal with things with positive attitude and composure. Siguro nga. Kahit kapag tumitingin rin ako sa salamin nakikita ko ang isang taong hindi basta sumusuko sa kung ano pang kabalbalan ng buhay. Sasabihin pa sa sarili sa umaga "Kaya mo yan! Gow lang!" Siguro nga. Pero hindi e. Sa gabi, sa paghimbing ng lahat, sa sandaling pagtigil ng mga eksena, sa oras ng pagpapahinga, tsaka namang ligalig ng mga bagay na pilit mong tinatago at isinasa-isang tabi sa umaga. Na-master ko na rin ata ang pag-iyak na may hikbi ng di gumagawa ng kahit anong tunog, habang nilalamon ka ng lungkot at kung ano-ano pang bagay na may poot.

Ang hirap din aminin sa sarili mo na mahina ka dahil baka doon na lang ako sasandal sa kaisipan na iyon sa tuwing hindi na umaayon sakin ang mundo. Hindi naman sa ma-pride ako at ayaw ko magpatalo. Ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko dahil kapag nag-breakdown ako walang taong accountable na sasalo sa akin. Isa talaga sa malaking factor ng kakulangan na nararamdaman ko ay ang katotohanan na nasa eternal life na si Mama at Papa. Minsan nga ang hirap pa sabihin ng mga katagang yan. Kasi bumabalik lahat ng alaala, masasayang bagay na hindi ko na maibabalik at ang mga personal na presensiyang hindi ko na ulit mararamdaman. God knows kung gaano kahirap ang bawat araw knowing that your parents will no longer be there to pick you up when you're in a middle of a hullabaloo. Sa gabi lumalabas ang emosyon, na mas lalong tumitindi kapag may ibang mabibigat na bagay ang dumadaan sayo. Sobrang hirap. Noon, lahat ng hirap na nararanasan ng isang adult napapawi kapag naaabutan ko ang tatay ko sa bahay. Kapag gumigising ako sa umaga lagi kong chine-check kung humihinga pa siya, seryoso yon. Sabay pupunta ako sa sala para tumigin sa larawan ni Mama. Ngingiti ng bahagya, bubulong sa hangin na sana panaginip lang lahat. Sobrang hirap lalo na ngayon, heto ako sa isang tirahan na wala akong kamag-anak, na walang ibang kakargo sa sarili ko kundi ako. Hindi pa ako succesful sa buhay. Marami pa ring struggles. I just chose not to mess up my own life. Kailangan mong maging responsible para sa sarili mo at para sa mga natitirang tao sa buhay mo. And you need to be strong for yourself, dahil nga wala namang ibang tao ang gagawa non para sayo. And I'd rather fail couple of times than doing nothing at all at mag-rant na ang unfair ng universe. 

Sobrang hirap pa rin. Eto kasi yung panahon na looking forward na ako sa security needs. Masyado nang malalim ang pangangailangan ko. Ewan ko. Minsan nahihirapan na rin ako iexplain ang sarili ko. Sobrang daming nangyayari at mas nagiging kumplikado lang kapag sinasabayan mo ng salita. Dadating ka na lang sa point na tatahimik ka na lang. Na hahayaan mo na lang at magdadasal ka na lang na sana matapos na ang bagyo. 

Hindi naman talaga ako yung tipo ng tao na agad agad sumusuko. Sobrang haba ng pasensya ko. Hindi ako susuko lalo na sa mga taong pinapahalagahan ko sa buhay ko. Kahit nakakapagod na hinding hindi pa rin talaga ako sumusuko. As much as I can, I will never cease to build bridges para lang mag-reach out, para lang umintindi, para lang tumulong in any possible ways. Wala akong problema sa sakripisyo dahil fulfilment din yun sa side ko at hindi ako humihingi ng kapalit. Ewan ko. Even if they'll burn the bridges patuloy pa rin naman ako. Minsan lang dumadating sa point na you also have to build walls para di ka masunog sa nagliliyab na tulay na ikaw mismo ang gumawa, dahil kailangan mo rin protektahan ang sarili mo going back sa thinking na walang ibang magpoprotekta sayo kundi ang sarili mo lang. Para buo ka pa rin. Para maging maayos ka pa rin. Para maibigay mo ulit yung sarili mo sa kanila after all. In the end gigibain mo rin yung pader, gagawa ka ulit ng tulay, hindi ka pa rin natitinag. You will always strive to help, to motivate, to encourage at kung ano pang positive chain reactions. And that's how you see your worth as a person. Kahit sa totoong buhay kulang din ang pagkatao mo. 

Hindi ko alam kung san matatapos. Paulit-ulit lang ang buhay.

12 October 2015

Happy Karl-arawan!

Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi e, ganito... Hindi ko alam kung saan ko banda sisimulan. Tuwing naririnig ng diwa ko ang pangalan mo walang pagpupumiglas itong gumagawa ng mga libong bagay na siya namang magtatatakbo, sasayaw at magpapalangoy-langoy sa isip ko. Pangalan mo pa lang yun ha! Paano pa kaya kung maaninag ko ang mukha mo? Another isang libong bagay nang pinaghalo-halong saya, lungkot, pagmamahal at nostalgia 'yon. Tapos yung boses mo na laging naglalambing, so isang libo ulit yon. At baka nga tuluyan ko nang di mabilang ang mga bagay-bagay kapag maalala ko kung gaano mo ko kamahal. Kaso pag nandyan ka na sa harapan ko, tumitigil na lahat sa pagbibilang. Pera biro, seryoso ako sa puntong ito. 

Kung titingnan ko ang bawat larawan natin dalawa, sigurado ako na sobrang dami kong mahuhugot. Hugot ng emosyon, yung bawat kilig at kada bigat ng tibok ng puso ko. Hugot ng nakaraan, mga balik tanaw sa kwento kung paano ba nabuo 'tong tambalan natin na sa hinagap hindi sumagi sa mga taong parehong nakakakilala sa atin. At hugot ng mga bagay na naging tulay kung bakit ngayon naniniwala tayo na may forever. Sabeh? 

Sobrang epic talaga nung una tayong nagkita. Sa harap ng SM Sta. Mesa, sa ilalim ng nanlilimahid na araw. Bago pa 'yon pamilyar na ko sa pangalan mo, yung pagkakakilanlan mo na isa namang incognito. Okay naman, wala naman masyadong moment nung time na yon maliban sa sinabi mong "Hi Kras!" sabay pabebe wave. Nagitla ako, sabi ko sino ba ito? "Siya si Pablo." sabi ni Ate Madz, and I was like "Ahh okay, galawang breezy" sa isip ko. Aaminin ko, di ako kinilig pero feeling ko ang ganda ganda ko non kahit amoy alimuong na ko. Ganern lang. Afterwards, wala naman na. May kanya-kanya na tayong mga buhay. Tapos ewan ko,  basta dumating na lang yung araw na para sating dalawa. Bigla na lang nagkaroon ng spark ang tambalang Karl Marx at Mary Jane. Spark na hanggang ngayon buhay pa rin kahit ang layo-layo natin sa isa't isa at marami nang nagbago sa mga buhay natin along the way. Ang dami nang nagyari, pero ito pa rin naman tayo, minamahal lang ng kalmado ang isa't isa. Pak! Ganern.

Nakilala kita at kilala ka ng ibang tao na may pagka-astigin at tigasin. Pero sobrang l honor you sa maraming bagay. Akala nila sobrang astigin ka, pero sa likod nun you have the very kind heart and it made me realized that you really are the better person for me. English yon, wag kang ano. Chos. Kilala mo rin ako, may mga non-negotiables ako noon bago ako mag-enter sa isang relationship, kung ano ba yung nilulook-up ko sa isang lalaki. But when you open yourself to me dumating na lang ako sa point at sa desisyon na  isang kang espesyal na tao na hindi dapat dumaan lang sa buhay ko. Ikaw, yung buong pagkatao mo, isang malaking bagay para makita ko ng may kasiyahan ang mga natitirang araw pa sa buhay ko. 

Sobrang dami nang nagbago sa buhay ko. Una, sa pagkatao ko o sa bumubuo ng pagkatao ko. Sobrang nahihirapan ako to go on with life na wala na sina Mudra at Pudra. Minsan feeling ko may kulang sa love tank ko at ikaw yung nilu-look forward ko na punuin yung kulang na yon. Pero minsan ako lang talaga yung may problema, something my inner self can't control. I'm sorry kung minsan I force you to fix those intangible brokeness. Pero hindi ka sumusuko, you always choose to deal with it at ibigay lahat ng makakaya mo para maging panatag ako. Nakita mo yung buong larawan kung paano ako nag-struggle as a person sa part na yon. Minsan tumatahimik ka na lang, sinusubukang intindihin ang bawat rant ko sa buhay ko. Lagi ka lang nakikinig at naging isang malaking tulong yon para makapag-move on ako. 

Sa career naman, sabi mo nga nakilala mo ako blank lang ang kinikita ko. Ngayon ang layo na nang narating ko, literal. Nagbago na rin ang mga standards at goals ko. At nandyan ka pa rin, nakikinig sa bawat sabihin ko. Most of the time ang pushy ko (o bossy) pero nandyan ka pa rin para intindihan lahat ng mga kamunduhan ko. Kahit sobrang sukdulan na talaga ako eh hindi ka pa rin talaga susuko sa ating dalawa. Ewan ko ba, pero sobrang bait mo talaga sa akin. Kaya hindi kataka-taka na gusto ka ng mga tao sa paligid ko. 

Totoo, na sa lahat ng aspeto ng buhay ko nandoon ka. Sa bawat desisyon, ambisyon at kahit ano pa man yon, lagi kitang kino-consider. Hindi rin naman ako magiging ganito kung hindi dahil sa pagpapahalaga, pag-aalaga at pagmamahal na binibigay mo sa akin. At yung pagmamahal na yun, it keeps me going and keeps both of us growing.

Sobrang nakakalungkot na wala tayo sa tabi ng isa't isa. Pero sa tuwing iniisip ko yung mga plano natin sa buhay, nasasabi ko na lang talaga na worth it ang bawat paghihintay at lahat ng pagtitiis. Baka pag nakita na ulit kita ng personal eh makalimutan ko na yung mga yon. Iba ka e! 

Ang dami ko na namang sinabi. Basta. Di ko na alam kung paano tatapusin tong mga sinasabi ko. Kulang pa e. Pero baka mawalan na ko ng bala sa anniv. Haha! Sige ganito bigla na lang mawawala.

Mahal na mahal kita dear!